Chapter 318

477K 21.4K 41.5K
                                    

A/N: Joke lang, sa susunod na chapter talaga ang balik na Keifer. Tapos na daw kwarantin niya.

Hope you guys enjoy.

🎊🎁HAPPYISH BORNDAY!🎉🎈
🎂BheBheriel
🥳Inday Mahal
🍩BloodieMeer

🥳🎂🎈🎉🎁🎊
Special Greetings to may sister Ayessa Mae. She's a frontliner at matagal-tagal ng hindi nakakauwi. Too bad, hindi mo kami papakainin ng handa. Hehe.




Mall

Jay-jay's POV

Awang-awa ako kay David. Ang kisig at tikas ng tingin ko sa kaniya dati pero ngayon para na siyang lantang gulay. Idagdag pang kasama ako sa nambuska sa kaniya kanina.

Kaya bilang pambawi binilan ko siya ng inumin habang naghihintay sa labas ng bookstore. Naglisawan naman ang mga Ulupong dahil saktong may nagaganap na event sa hindi kalayuan. Maraming babae na naka-skirt at blouse na fit ang sumasayaw.

Nilapitan ko si David na nakaupo sa isang bench sa gitna ng daanan. Panay ang suntok niya sa balikat at braso na parang minamasahe niya.

"Para sayo." Sabi ko sabay abot ng milktea.

Tinignan niya ang hawak ko pero ang bote ng tubig sa kabilang kamay ko ang kinuha niya.

"Tubig nalang." Sabi niya sabay paikot ng takip.

Napangiti naman ako don. Hindi ko na kasi afford bumili ng dalawang milktea kaya tubig nalang sana ang sa kaniya at akin ang ligaya. Kaso na-konsensya naman ako kaya bibigay ko nalang sana ang milktea sa kaniya. Mabuti nalang at siya na ang nag-desisyon.

Akin ang ligaya.

Umupo ako sa tabi niya. "Sure ka, ayaw mo?" Paninigurado ko bago tusukin ng straw ang cover ng cup.

Ngumiti siya at umiling. "Mas ayokong makita na hindi mo nakukuha ang gusto mo."

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Taray. Ini-spoiled mo ko ah? Swerte ng girlfriend mo sayo."

"Kung kami pa, siguro oo."

Napahinto ako sa sinabi. "A-ano?"

Uminom muna siya at mabilis na tinakpan ang bote bago sumagot. "Wala ka nabalitaan?"

Umiling ako. Pero meron naman ako hinala dahil nga sa mga napapasin ko sa kaniya.

"Ayun, pag-uwi galing New York. Mas malamig pa sa klima ng America." Sabi niya at napailing. "Akala ko jetlag lang."

"A-ano nangyare?"

"May iba ng kinahuhumalingan."

Aray...

Parang nawalan ako ng gana uminom ng milktea. Pero parang lang naman, syempre uminom pa rin ako.

Ibang klase din. Kaya nga nagtrabaho si David kay Percy para sa kaniya tapos ganon lang ang ending nilang dalawa. Nakakalungkot. Ang laki din ng pagod at hirap niya.

"H-hindi ka man lang kinausap ng maayos?" Tanong ko na may halong akusa.

"She did try to talk to me. But obviously feel shame so it took her multiple attempts."

Napailing ako. Marunong din naman pala mahiya yung babae. Pero mas naaawa pa rin ako kay David.

"Tapos? Paano nagkalabasan ng totoo?" Tanong ko pa na parang nakiki-tsismis talaga. Humigop pa ko ng milktea sunod nguya ng pearl.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Where stories live. Discover now