03 - If all else fails, trust

58 2 0
                                    

First Person Point Of View

Mabilis akong naglakad na hindi gumagawa nang ingay dahil wala na akong panahon na kilalanin siya, but I heard my stomach growled. Maybe I can steal some food. Right. Kailangan ko rin makaalis dito. Nanlaki ang mata ko, at mabilis binuksan ang pintuan.

"Miss." I froze when I heard that he called me. Bumigat lahat ng parte sa katawan ko, at hindi makalakad. Chiara, you have to leave!

"Good morning." Lumapit ang boses nito. Nakatalikod ako kaya hindi ko siya nakikita.

Bakit parang ang kalmado lang siya? Umusog ako palabas ng kwarto, at nakita ang bahay na napakaganda. The interiors are well done. Why am I praising his place? I am in danger.

Pumiglas agad ako nang hinawakan niya ang braso ko. Napalingon ako sakan'ya, at nakita ko na nagulat siya sa ginawa ko. "I'm sorry." He said sincerely.

Tinignan ko lang siya. I don't know how can I talk to him, or even answer him. Ano ba kasing ginagawa ko rito?

"Where are you from?" I felt my lips shake.

Narinig ko siyang humingang malalim.

"What's your name?" He eyed me again. Nagulat ako nang inangat niya ang kamay niya. "I am Hugo by the way." Tinignan ko lang 'yon.

I can't read his mind. He doesn't look gentle rin. "Look, I found you inside my trashbin...I thought you need help." Kumunot ang noo ko. Napasilip ako sa binta.

Ayon nga ang nakita ko kagabi! Hindi naman siya mukhang local dito? My heart is beating fast. Is he safe?

"Seems like you understand the words I say." Seryoso ang mukha niya pero hindi ito mukhang galit sa akin. Ngayon ko lang nakita na may band aid ang sugat ko sa braso...Siya kaya ang nag gamot sa akin?

Tinitignan niya lang ako kung paano ko tignan ang mga sugat kong gamot na. Nilampasan niya ako, at nakita kong kumuha siya ng baso na may tubig, at towel. It looks like he's saying I need to drink. Inabot niya ang baso sa akin, kaso naalala ko baka may lason na naman 'to.

"Don't worry. That is okay."

For some reason tumango ako, at kinuha 'yon sabay inamoy. Now he looks amused. Mabilis ko rin nainom, at naubos dahil ang uhaw ko na 'to ay kagabi pa.

"Do you still want some?" Hindi ko alam isasagot ko sakan'ya, pero tumango siya at kinuha ang baso sa kamay ko. Nilagyan niya ulit ng tubig 'yon, this time may dala na siyang pitcher.

Inabot niya ulit, at uminom na ako.

"After that, you take a bath." Kinuha niya ang towel na nakapatong sa mesa, at inabot sa akin.

Hindi ko alam kung susunod ako, pero the way he looks at me napatango ulit ako sa sinabi niya. Kunuha ko ang towel sa kamay niya, at tinuro niya ang wash room. Mabilis akong pumasok doon.

Hindi siya mukhang mabait, pero hindi rin naman siya mukhang nananakit...Ano kaya ang meron bakit nandito ako sa bahay niya? Hindi ko magawang maka-alis. Ano ba 'tong nararamdaman ko na parang comfortable ako nang konti?

Nang makapasok ako napatingin ako sa salamin. Nagulat ako sa itsura ko.

I touched my face... Ilang years ko na hindi nakikita ang sarili ko. So this is how I look like now. Nanikip ang dibdib ko, at naramdaman ang luhang gusto na naming tumulo. Wala na ata katapusan 'tong pag-iyak ko.

Napahikbi ako dahil kahit narito na ako, hindi pa rin ako sigurado kung gaano nga ba ako kaligtas. I just remembered how painful my situation is. Hindi na ata talaga matatapos ang problema ko. I want to hope, so that I can live...pero minsan talaga.

Disturbed SerenityWhere stories live. Discover now