10 - Presenting all of points

85 2 0
                                    

Third Person Point of View

"Dahan dahan po kayo, Sir..." Magalang na paalala ng nurse na inaalalayan, at pinanonood si Zachareous na bumaba sa kama.

"Nandyan na ang sulat!" Masayang sigaw niya kahit nanghihina na sa dinaramdam.

Ngumiti ang kanyang sekretarya dahil magandang balita ang sasabihin niya sa kanyang boss na si Lucy.

Sa pagpasok ni Lucy sa buhay niya mabilis niyanh napalitan ang mga tao sa loob ng mga organisasyon na hawak nila Para mas madaling makagalaw ang babae, pati ang mga tauhan niya.

Ang halong saya, at lumbay para sa anak ay kitang kita sa kanyang mukha.

"Maraming salamat, Martin!" Tumango ang kanyang sekryetarya dahil siya ang taga dala ng sulat sa mansion ng mga Morgana.

"Pakitawag naman ang mga bata..." Utos nito rito.

Sinimulan niya ng basahin ang sulat. Halos malukot niya na ang papel habang binabasa ito. Ang lumbay niya sa panganay na anak ay habang buhay niyang pagsisisihan.

"How are you? I miss you all...I miss you too, anak." Maluha luhang pahayag ng nakatatandang haligi ng tahanan.

"Please take care of yourselves, and don't worry about me." Napapikit siya dahil mukhang wala na talagang balak umuwi ang kanyang unica iha.

"Oh, Chesa... What will I do?" Sumilip siya sa bintana habang inaalala ang mahal niyang asawa.

Sinisi niya ang sarili niya sa pag-alis ng kanyang anak. Malaki pa rin ang pasasalamat niya kay Lucy dahil sakanya nakakapag-padala pa ito ng sulat sakaniya.

"Dad!" Halos sabay na sigaw ng kambal mula sa pintuan.

Sinalubong niya ito nang yakap bago ibinalita ang nalaman.

-

"Anong nangyayari?!" Bulyaw ni Mr. Enriquez habang nag-pupumiglas sa tatlong na taong kumuha sakan'ya.

Mabilis nilang nabaril ang mga sumubok pumrotekta sa kanilang target.

"Paparating na ang mga bodyguards ko, makakatakas na ako!"

"Ang ingay naman niyang putanginang 'yan!" Sabay sabay nag-tawanan ang tatlo sa reklamo ng kasamahan nilang si Sandro. Siya kasi ang naatasan na antayin ang pulis, o pagdating ng possible pang kalaban.

Binitiwan siya ni Kieffer, at kitang kita ang paghina nito. "Ano bang gusto niyo?! gusto niyo ba ng pera?! Bibigyan ko kayo!" Natatarantang sabi niya.

"Ulol marami kaming gano'n."
Hinampas ni Hugo ang ulo nito na dahilan nang pagkabagsak nito. Siya ang front nila sa kanilang team.

Napailing si Andrei habang papunta sa maleta ni Mr. Enriquez. "Ano bang kailangan niyo sa akin?!"

Pinipigilan lang ni Kieffer na barilin ang lalaki dahil kanina pa siya napipikon sa daming sinasabi nito.

Tumango si Andrei kay Hugo, at mabilis na nilabas nito ang baril sabay tutok sa ulo ni Mr. Enriquez na nakapagpatahimik sakan'ya.

Kieffer smirked. "Ayan tangina mo kasi ang ingay mo."

"Natutukan niyo agad?" Natatawa ulit na tanong ni Sandro. Walang sumagot sakanila, at pinagpatuloy ang trabaho dahil kailangan pa nilang may ma-confirm.

"Kiel, buksan na ang mga maleta niyan." Utos ni Andrei bilang lider nila, turingan man nila ay halos magka-pamilya na, pero ang trabaho ay mananatiling trabaho pa rin.

Sumunod si Kieffer at binuksan ang mga maleta ni Mr. Enriquez, at sabay-sabay nilang nakita ang inaasahan na alahas na ninakaw.

"Confirm, Seth." Gumagamit sila ng code name para kahit makita ang mukha nila, kahit papano safe pa rin ang kanilang identity.

Disturbed SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon