13 - Marked the property

64 1 0
                                    

First Person Point Of View

"Naku! Naglalagay na ng mga banderitas sa daan!"

Malikot ang mga tao sa Santa Isabella dahil papalapit na Fiesta. I volunteered to do the banderitas dahil ito lang ang kaya kong gawin. My brother is just busy playing with his friends, and my parents are with the other people outside.

Maganda ang panahon ngayon, parehas ang mood ng mga tao. They are so happy to anticipate this yearly celebration.

Pangalawang beses ko palang mararanasan ang Fiesta, at medyo naintindihan ko na rin naman paano ang mangyayari. Sa Metro Manila naman I never experience these kind of things. Hindi ko alam na may buhay palang iba pa kaysa sa nakasanayan ko.

Natutunan ko nang mahalin ang napakagandang lugar na 'to dahil na rin sa mga tao na nasa paligid ko. Their culture is always significant to them, and they celebrate each of it.

"Where will I put this?" Nagulat ako dahil biglang pumasok si Hugo sa kubo na may dala ng dalawang balde ng isda. Mabilis naman akong tumayo para sana tulungan siya.

"Doon lang sa may baba ng lababo...Akin na 'yong isa." I said while not looking in his eyes. Sino ba naman makakatingin ng diretso sakan'ya?

Whatever happened between us, I will try to forget. I don't know. Ugh.

"I can do this...Just tell me what to do."

Tumango ako. "Sabi sa'kin ni Nana mo, sa'yo ko raw kasi itanong." Busy talaga sila Nana kaya inaabot ko nalang ang mga kailangan nila para hindi ako makaistorbo. Wala rin namang problema magtanong pero ang hirap naman kasing makipagusap.

Though, I am thankful that Hugo is here. He is really a big help. As a woman there are things that I admit, I cannot do alone. If Riley was of his age, maybe I won't be as thankful as much with his presence. Isa rin sa mga tanong ko, Hindi ko lang alam if hinahanap ba siya ng pamilya niya? Or saan ba talaga siya galing?

Which leads me into thinking where is he from? Hindi ko naman ugaling mangialam, but I am so curious about him. What if I am not in this kind of situation? Will we even meet? I sighed. That, cannot be touched, Chiara.

"Pakilagay nalang sa baba ng lababo...Tutulong ako sa paghuhugas ng isda. Sandali na lang 'tong banderitas."

He looked at me, and it looks like he is processing what he is seeing from my face. Please Hugo, just focus on othed things.

"Tulungan na kita."

Umiling ako. "Doon ka na muna, para mas mabilis ang trabaho..."

"Mas mabilis 'di ba kapag dalawa tayo sa banderitas...dalawa rin tayo ron mamaya." Okay lang naman actually tumulong siya...pero kasi hindi naman 'yon ang problema. Naiilang ako e. Paano kaya niya maiintindihan 'yon?

"Doon nalang ako. Ikaw dito?" Kita ang pagtataka sa mata niya sa sinabi ko. Hindi ka ata nakakahalata...

"Iniiwasan mo ba ako?" Halos mapa-atras ako sa tanong niya. Siguro? Medyo? Konti? Ayoko lang sobrang magtagal kami na kaming dalawa lang ang kasama. I feel so shy about what we did?

Noong araw na hinalikan niya ako, hindi na kami mas'yadong nag-usap dahil nahihiya na ako. Mabuti nalang nando'n si Alex kaya sakan'ya ang focus ko...but as much as I want to deny it he invaded my mind most of the time.

Mabuti na nga lang maingat niyang hinawakan ang bata, at bewang ko. It's like he's an expert doing that. Maybe he has more experiences than me.

"Sige. Ilagay mo muna 'yan doon."

Tumango siya. I watched him as he do those things. "Now, answer me."

Tingin lang ang nagging sagot ko. Ano ba ang gusto niyang gawin ko? Tell him that I liked his kiss? "Ah...eh. Hindi naman."

Disturbed SerenityWhere stories live. Discover now