11 - Gestures of being fond

51 2 0
                                    

First Person Point of View

"Esang!" Sabay ang tinig na narinig ko na nagpagulat sa'kin. I expected that they will come here, but not too soon. Iniwas na ang tingin ko kay Hugo, at lumampas sakan'ya para silipin ang kumakatok. Narinig ko rin ang hakbang niya palapit, every move he makes my heart roars out of nervousness.

Huminga ako nang malalim dahil sa katabi ko ngayon. I have to control myself. I know why Kikay and Maria are here...Bukod talaga sa akin, si Hugo ang pinuntahan nila. Sa liit ng lugar naming, mabilis talagang kumalat ang balita.

Nakita ko ang pagpigil ng tili ng dalawa kong kaibigan pagkabukas ko ng pintuan. Tumakbo sila papunta sa akin na may dalang pagkain. "Kumusta ka na?!" 

Gusto kong umirap sa tanong ni Maria sa akin dahil hindi naman mukhang nag-aalala, at nakatingin siya sa katabi ko. Hugo is very appealing to all the people here, not just because of his pretty face, as a guest in this small town made him more admirable.

"Ako si Kikay! Siya si Maria!" Sumilip ako sa katabi ko, at nginitian niya si Kikay, at Maria. He seriously enjoys this attention because he did not once removed the amusement in his face. He looks simple with his shirt and pants, but the people especially girls did not stop getting his attention.

"Ako na ang magdadala nito." Halos mapatlon ako nang sumagot siya. I find it hard to gather myself together. Mabilis naabot ng mga kaibigan ko ang dala kay Hugo. My friends squeaked when they had a little interaction. Pinasok niya na ito at pinanlakihan ko sila ng mata.

Hinampas ako ni Kikay. "Aray!"

Ako pa talaga ang hinampas, hindi ko lang masabi sa kanya because I know Hugo can eavesdrop our conversation. Though, there's no signs of him being a chismoso. But, still no.

"Basa na ata panty ko, dzai!" Humalakhak silang dalawa, at ako naman napailing sa sinabi nila. Vulgar words are not new for me, pero sobrang straightforward lang siguro nila talaga. I don't hate them for it naman.

"Pasok kayo..." I said to them, and they pushed each other. Alam ko naming hindi sila aalis dito kasi gusto pa nilang makialam sa buhay ko at sa taong nandito ngayon. 

"Ano ba kasing nangyari sa'yo, at nahiwa mo ang daliri mo?" Narinig ko ang matining na boses ni Kikay, habang papasok kami ng kubo.

Sinilip ko si Hugo na nag-aayos ng dala nilang pagkain. Lumapit ako para makatulong. "Kahit sino naman atang makarinig ng boses, o makakita rito kay Pogi, masusugatan din..." Humalakhak naman sila ulit.

Uminit ang pakiramdam ko dahil nakita ko siyang sumilip, at ngumiti sa sinabi ng kaibigan ko. "Kung itatanong niyo kung ayos lang ba talaga ako...ayos naman." That was kind of sarcastic with a little humor. Tinawanan lang din ako ng kaibigan ko.

"Hugo 'di ba?" Masayang masaya si Kikay habang tinignan ang bisita ko. Ano pa bang aasahan ko sa mga lalaking hindi taga-rito?

"Hindi mo naman sinabi na ang gwapo naman nitong na dekwat niyong customer..." Halakhak ni Maria, sabay natawa rin siya. Hindi ko alam kung ano bang dapat na set up naming dalawa. Ni hindi ko pa nga siya nakakausap tungkol sa'min.

Amin? Really, Chiara? I almost rolled my eyes.

"Narinig ko na siya nagbayad ng gastusin sa ospital...totoo ba?" Naupo ang dalawa sa maliit naming sala habang inaantay kami matapos mag-ligpit.

Nilagay ni Hugo sa lamesa ang dala nilang pagkain sa'min na biko, at prutas.

"Kikay! Ano ka ba! 'Wag mo na tinatanong iyan..."Hindi ko naman talaga balak pigilan sila. I understand their curiosity, siguro hindi ko lang alam paano iha-handle ngayon.

Disturbed SerenityWhere stories live. Discover now