21 - Lay your cards on me

46 1 0
                                    

First Person Point Of View.

Mabangong amoy ng pagkain ang bumungad nang magka-malay ako. Ito na ata ang pinaka-isa sa masarap na tulog ko. I opened my eyes, and I saw the white ceiling. Lumikot ang mata ko, at napagtantong ibang bahay 'to!

Am I dreaming?

Nakita kong may lumapit sa'kin na...Si Hugo? What is he doing here?

Mahigpit akong pumikit. This isn't a dream. Anong ginagawa niya rito? Ano bang nangyari sa'kin? "How are you feeling?"

Tumaas ang balahibo ko sa pagkakatanong niya sa'kin. Dumilat ako, at bumangon!

Pinilit kong hindi tumingin sakan'ya, "Where am I?"

Nang maisip ko kung nasan ako niready ko ang sarili ko tumayo!

Mas lalo akong lumalayo kapag lalapit siya sa akin. I cannot be with a man who is against me. Lahat ng mga ala ala mula sa probinsya ay buhay na buhay sa utak ko. She's Lucy bitch! Gustong gusto ko umiyak pero hindi lumalabas ang luha ko, basta ang alam ko lang galit ako sakanya.

"What are you planning to do with me?! Are you gonna end my life? Do it immediately!" Sa itsura niya mukha siyang pagod. Why am I thinking of him? Kailangan kong maka-takas dito!

"Ysela, Please calm down. You're in my Penthouse."

I threw the pillow beside me towards him. "Don't you dare call me by that name! You should be out of my sight! I fucking hate you!"

Hindi rin ako naniniwala sa sinabi niya. Ngayon pa? Sinuibukan kong pumiglas sa pagkakahawak niya nang sumubok ulit siyang lumapit. Huminga lang siya nang malalim habang pinanonood akong umalis sa hawak niya! "Bitiwan mo ako! Sasaktan niyo ako!"

I always fail when it comes to trusting people. I fell for him, without me knowing that he's part the person who wants me dead! Sa Barcelona palang! Kaya pala! Nakuha niya ang loob ko sa ilang araw, pinag-mukha niyang mabuti ang image niya sa'kin. How heartless is this person!

Ang puso kong malakas ang tibok ay ang bunga ng pinaghalo halong emosyon na nararamdaman ko para sa taong ito! "Tama na! Stop fooling me!"

I thought I will not cry however, I felt my tears are flooding inside my eyes pero hindi dapat. Kailangan kong pigilan. My heart is aching so much, "I trusted you, and this is all I got?!"

He pulled me closer, and removed his arm. I saw that he is aiming for a hug but thankfully I went to the corner of this place. Who knows? Nandya'n lang si Lucy!

Nakita ko ang vase sa gilid ko, at kinuha 'yon. "Huwag kang lalapit! Itatapon ko 'to sa'yo!"

Pinanood ko siyang umiling, at umupo sa kama. He looks like he is thinking of something.

"Kumain ka muna bago tayo mag-usap. Halos isang araw ka tulog, kailangan mo 'to."

Tumawa ako, habang nanginginig ngayon sa gigil sakan'ya. Joke ba ako? Paano ako matutunawan kung alam kong mamaya lang pwede na akong mamatay? He is crazy!

"Umalis ka rito! Kung babantayan mo ako, pwede naming sa labas ka nalang!" Parang tumalbog ang puso ko.Really, Chiara? How can you still have feelings for him?

Bigla siya ngayong tumayo, at inangat ko lalo ang vase. "Subukan mong lumapit talaga!"

Tumulo na ang luha ko. Is he gonna hurt me?

Nagulat ako nang humarap siya sa'kin kaya inangat ko ulit ang vase. "Dali na. Kumain ka na muna, lalamig na 'to." Kinuha niya ang tray sa mesa na nasa gilid ng kama.

"Ibaba mo na 'yan, baka mabagsakan ka pa. Masakit 'yan." Nilagay niya ang tray sa may mesa na may upuan sa gilid ko.

"Kain na." Hinatak niya ang upuan para paupuin ako. Ano ba kasing nangyayari? Naging kalmado ang pakiramdam ko, pero mas dumami ang tanong sa akin.

Disturbed SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon