Nuvole Bianche

137 36 26
                                    

Kyrie Maius "KM" Apostello

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kyrie Maius "KM" Apostello

Ang storya ko ay sisimulan ko sa tipikal na pagpapakilala. Ako si Kyrie Maius Apostello, o mas kilala bilang 'KM' ng mga kaibigan ko. Ito na rin kasi ang nakasanayan kong pangalan. Gusto ko pa sanang magpakamisteryo kagaya ng ibang mga bida sa mga patok na istorya kaso...

Well, lahat naman kasi tayo may kaniya-kaniyang sikreto sa buhay. May mga sikreto tayong ayaw nating ipaalam—it's either masakit 'to para sa'yo o magiging masakit 'to para sa ibang tao.

"Saan ba gala natin mga reps?" Napabalik ako sa realidad ng magtanong si Jethro.

Isa si Jethro sa mga kaibigan ko. Gwapo si Jethro; matangos ang ilong at mahaba ang pilik mata. Marami rin siyang nunal sa mukha—isa sa mga katangian na nais ko sa isang lalaki. Kulot ang may kahabaan niyang buhok. Matangkad at maganda ang kaniyang pangangatawan. Pero hindi ko alam kung bakit ba laging palpak ang lovelife niya.

Kasalukuyan kaming nasa kotse ngayon ni Ate Val—wavy ang buhok na umaabot hanggang balikat, matangkad at payat ang katawan, may bilugan at malaking mga mata. Siya ang pinakamatanda sa aming lima na magkakaibigan. Nanay na ang turing namin sa kaniya dahil na rin sa anim na taon na agwat ng edad niya sa akin.

"Iinom tayo ngayon," sagot ni Ate Val. Hindi bagong bagay ang pag-inom sa amin ngunit ang pag-aaya ni Ate Val ay may halong inis na hindi ko mawari.

"Bakit? Heartbroken ka na naman ba?" tawang sabat ni Felix.

Minsan talaga hindi ko maintindihan 'tong si Felix. Ang saya-saya niya kasi tuwing brokenhearted kami. Pero kapag lovelife na ni Jethro ang pumapalpak kung makalagok ng alak kala mo uhaw na uhaw sa tubig, kulang na lang singhutin.

Si Felix ay halos kaedad ko lang kung titignan sa itsura. Ngunit kung sa pag-iisip natin ibabatay ay mas matino pang mag-isip ang bata kaysa sa kaniya. Sa totoo lang hindi ko alam kung ilang taon na si Felix dahil una hindi ko tinatanong at hindi rin ako interesado na malaman. Pangalawa kahit tanungin mo siya nang matino tungkol sa kahit anong bagay ay purong kalokohan lang ang isasagot niya.

"Ano na naman bang nangyari sa inyo ng bago mong kalandian?" usisa ko.

Okay naman kasi sila noong isang araw. Saka okay namang lalaki si Kiyo, lalaking ka-flirt ni Ate Val. Sa totoo lang mayaman si Kiyo at may mataas na pinag-aralan kaya boto ako sa kaniya para kay Ate Val. Saka maganda din ang pangangatawan ni Kiyo—big booty!

"Yun na nga! Walang nangyayari sa amin... I mean wala talaga. Bigla na lang siyang nawala. He ghosted me! For Pete's sake! Pagkatapos niyang sabihin na liligawan niya ko?—Wow!" inis na sigaw niya sabay hampas sa manubela.

"Nasaan na ba 'yang impakto na 'yan! Ilabas niyo 'yan! Papatayin ko 'yan!" pagwawala ni Julius, kapatid ko na may saltik. Pinigilan siya ni Jethro at pinakalma.

Si Julius ay nag-iisang kapatid ko, mas bata siya sa akin ng dalawang taon habang mas matanda naman si Jethro sa kaniya ng isang taon.

"Iinom na lang natin yan. Wag niyo ng isipin, tutal wala naman kayo nun," suhestyon ni Felix habang nag-iscroll sa kaniyang cellphone. Pinanlisikan ko siya ng mata ngunit nagkibit-balikat lang siya at nagpatuloy sa pag-scroll sa kaniyang selpon.

Hindi natahimik ang aming biyahe dahil napuno ito ng rant ni Ate Val tungkol sa mga pang-iiwan sa kaniya ng mga lalaki. Laging ganito ang eksena sa kotse sa tuwing magkakasama kami. Puro hiyawan na akala mo hindi kami magkakatabi sa loob ng isang kulob na kulob na sasakyan. Si Felix ang madalas maupo sa shotgun dahil feeling boss siya kahit na unemployed naman siya—no, scratch that. Hindi siya unemployed dahil hindi naman talaga siya naghahanap ng trabaho. Hindi ko talaga alam kung bakit namin kaibigan 'yang palamunin na 'yan.

Nang makarating na kami sa aming paboritong tambayan—ang Laviz—na pagmamay-ari ni Samael Morningstar, pangalan na hindi ko alam kung totoo o gawa-gawa niya lang.

Magkaibigan na sila ni Felix bago pa man kami naging magkaibigan. Matangkad siya at may magandang mga mata. Madalas siyang magtanong tungkol sa desires ng mga tao na hindi ko malaman kung bakit niya ginagawa.

Gusto ko sa lugar na ito dahil pinahihiram ako ni Samael ng kaniyang piano—Ang Kuhn Bösendorfer grand piano. Napakaganda ng tunog ng piano na ito dahil gawa pa ito sa pinakasikat na Austrian piano manufacturer.

Hinudyatan ko ang DJ na itigil ang maingay na tugtog na nagpapabaliw sa mga tao sa loob ng club. Hinaplos ko ang piano saka ako tumipa ng ilang nota bago ako tuluyang tumugtog—Nuvole Bianche ni Ludovico Einaudi.


Felix Eros Miseo

Nakarinig ako ang ilang pagtipa ng nota mula sa piano ni Samael.

"Nuvole Bianche," bulong ko sa sarili. Tinignan ko kung sino ang tumutugtog—KM. There she goes again; playing like a goddess. Well, maybe she's the goddess of music that I'm not aware of.

I listen to her soulful playing. Punong-puno ng emosyon ang bawat pagtugtog niya. Napakalumanay ng pagdampi ng mga daliri niya sa piano. Madadama mo ang magkahalong saya at lungkot sa kaniyang pagtugtog. Sa totoo lang namamangha ako sa kaniyang talento ngunit masasabi ko na hindi pa rin siya maikukumpara sa tulad ko. Hindi sa pagmamayabang pero totoo 'yon.

Lumagok ako ng alak bago ko tuluyang alisin ang pagkakatitig ko kay KM. Lumapit ako sa babaeng kanina pa tumitingin at nagpapa-cute sa akin sa gilid ng counter.

"Want to come with me?" pilyong tanong ko. Tinignan niya ako ng malalim sabay kagat sa kaniyang ibabang labi. Uh huh, that's what I like—wild, dangerous!

Cecilion's Arrow (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon