Bora and the Starry Starry Night

1 0 0
                                    

Yesterday

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Yesterday...

Julianna Louise "Julius" Musni

Pagkaalis ni Ate KM ay agad kong kinuha ang aking cellphone at tinext si Jethro.

To Jethro:

Can you pick me up?

From Jethro:

What time? Naglilinis ako ng bahay ngayon. I'll pick you up after.

To Jethro:

Sure, Linis well :))

Habang hinihintay ko si Jethro ay nagpasya muna akong maligo. Pagkatapos kong maligo'y pumunta ako sa kwarto ni Ate KM upang tumingin ng masusuot. Laking gulat ko nang makitang puro pangmanang ang damit niya. Kung hindi mahaba ay masyadong pormal. May plano ba siyang maging madre kapag wala siyang napangasawa?

Narinig ko ang busina ng motor ni Jethro kaya't tinext ko siya na nag-aayos pa ako. Pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang blower. Ginamit ko na din ang curler ni Ate KM to heighten my blonde wavy hair. I tried to pick an outfit from her closet, kahit wala talaga akong mapili. Napagdesisyunan kong suotin ang kaniyang off-shoulder dress na umaabot hanggang sa baba ng aking tuhod.

Manang na kung manang, I don't care! Bakit ba kasi wala man lang siyang maikling damit? Wala din siyang shorts, for goodness sake!

Pagkatapos kong isuot ang pangmanang na off-shoulder ay nagsimula na akong maglagay ng makeup. I'm going for a natural look since kila Ate Val lang naman kami pupunta.

Pagkalabas ko ng kwarto'y nakita kong prenteng nakahiga si Jethro sa sofa habang naglalaro sa kaniyang cellphone.

"Damn it! What took you so long, Julianna?" bigkas niya pagkakita sa akin.

"Don't call me like that," suway ko sa kaniya.

"Bakit, Julianna Louise Musni?" pang-aasar pa niya.

"Stop it! Ang bantot pakinggan," tawa ko. Hindi ko din alam kung bakit ganiyan pangalan ko. Mas gusto ko talagang Julius ang itawag sa akin.

Sumakay kami sa kaniyang Triumph Bonneville at dumiretsyo sa guesthouse ni Ate Val. I'll convince her na magbeach bago matapos ang summer.

Pagkapasok namin sa guesthouse ay sinalubong agad kami ni Ate Val.

"Napadalaw yata kayo sa akin? Saktong-sakto may balak akong sabihin sa inyo," bungad niya.

"Wait, ako muna," putol ko sa kaniya, "Suggestion lang namin ni Jethro, baka gusto mong magbeach tayo bago magpasukan," dagdag ko. Pinanlakihan naman ako ng mata ni Jethro dahil sa pagdawit sa kaniyang pangalan.

"That's what I'm about to say. I planned it already. Pupunta tayo sa Boracay bukas," kaswal na tugon niya.

"What?!" sabay na sigaw namin ni Jethro.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 15 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Cecilion's Arrow (Book 1)Where stories live. Discover now