The Gentle Zephyr

24 3 1
                                    

4 years ago

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

4 years ago...

"Okay. Dismissed," anunsyo ng lalaking propesor.

Nagsimula nang tumayo ang mga estudyante at inayos ang kanilang mga instrumento.

"Ms. Apostello. Can we talk for a minute?" tawag ng propesor kay KM. Tumango naman si KM at lumapit dito.

"Yes, sir. Ano po 'yon?" tanong niya.

"Alam mo naman na mayroong gaganapin na musical performance this month and we, the Philharmonoque Orchestra, are assigned for the opening that's why we're practicing very hard. But, nakatanggap ako ng request from the board na maglagay ng isang participant for a solo. At naisip ko na ikaw ang isali. I really felt bad noong pinalitan kita bilang pianista sa orchestra natin," mahabang litanya ng propesor.

"Okay lang po sir. Naiintindihan ko naman po na hindi niyo matatanggihan si Angel dahil anak niyo po siya," sagot ni KM.

"I'm really sorry about that KM. So, can you join?" tanong ng propesor. Matagal na nag-isip si KM sa alok ng lalaki. Iniisip niya na magandang oportunidad ito para sa career niya ngunit hindi niya sigurado kung siya ba ang dapat na isali doon.

"Please, join. Hindi katulad ng universities ang musical center na 'to. Mas malaki ang chance na makilala ka roon," hikayat ng propesor.

"Pag-iisipan ko po," muling sagot ni KM bago lumabas sa auditorium kung saan sila nagsasanay.

"KM!" tawag ng isang lalaki.

"Chris!" Kumikislap ang mga mata at abot tenga ang ngiti ni KM nang tawagin niya ang pangalan ng kaibigan.

"Ba't ang tagal mong lumabas?" tanong nito saka kinuha ang bag ni KM at inakbayan ito.

"Kinausap lang ako ni Sir."

"Bakit daw? Ibabalik ka na daw ba niya bilang pianista?" kunot noong usisa ni Chris. Dahil sa isip-isip niya ay ayaw niyang mangyari iyon.

"Nope. Mas maganda pa d'yan," masayang tugon ni KM. May kung ano siyang naramdaman kaya't nang makita niya si Chris ay na pagdesisyunan na niyang sumali.

"Nga pala, may bago akong sinulat na kanta. Gusto mo bang pakinggan?" excited na tanong ni KM.

"Err... Sorry may lakad kasi ako ngayon e," hinging paumanhin ni Chris.

"Ah ganoon ba? Sige, okay lang. Mauna na ako, enjoy!" tugon ni KM saka kinuha ang kaniyang bag kay Chris.

Lumiko siya sa kanto at iniwan nang mag-isa ang kaibigan.

"Oy!" sigaw ng isang babae. "Bakit nakatulala ka d'yan?" tanong nito.

"Ah, wala. Tara na. Ihahatid na kita sa inyo," sagot ni Chris sa babaeng tumawag sa kaniya. Maganda ito at mala-anghel ang mukha.

"Kasama mo na naman ba si KM?" nakahalukipkip at masungit na tanong ng babae.

"Hindi. Nakasalubong ko lang siya," pagsisinungaling ni Chris.

Cecilion's Arrow (Book 1)Where stories live. Discover now