MVP

22 1 1
                                    

Julianna Louise "Julius" Musni

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.

Julianna Louise "Julius" Musni

Hindi pa din kami nag-uusap ni Ate KM after ng nangyari sa bahay. Ako kasi ang nahihiya sa ginawa nila mama at papa sa kaniya. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon sila. Wala namang ginawang masama si Ate KM sa kanila.

Nakita ko mula sa salamin ng aking kwarto na sumilip si mama sa aking pintuan.

"Anak nandiyan na si Cheryle," malumanay na tawag niya sa akin. Tumango ako at ngumiti. Ang lumanay niyang makipag-usap, malambing siyang ina, pero bakit pagdating kay Ate KM lagi siyang takot at balisa?

Lumabas na ako sa kwarto bitbit ang aking shoulder bag. Nagpaalam na rin ako kila mama at papa bago lumabas ng bahay.

Pupunta kami ni Cheryle sa school namin para sa annual graduate's summer fest celebration. Ginagawa ito every after graduation to celebrate the 4th year graduates. Hindi ko alam kung sinong may pakulo nito pero hindi ko siya bet as of now, dahil ang init-init ng panahon.

Mostly sa aming mga lower year ay hindi excited dito. Ang pinaka may gusto ng celebration na ito ay ang mga 4th year dahil para itong farewell party na inihanda ng buong school para sa kanila.

"Mag-boyfriend hunting tayo ngayon!" suhestiyon ni Cheryle na tuwang-tuwa sa kaniyang naisip.

"Lalo ka na Julius. Simula noong 1st year ka hanggang ngayong 3rd wala ka pa ding nagiging boyfriend, puro ka lang M.U. Ayaw mo kasing maglagay ng label kaya ka iniiwan," dagdag pa niya. Kahit naman kasi bente na ako ay hindi pa din ako pinapayagang mag-boyfriend. Kailangan ko daw munang makapagtapos bago 'yon, kaya naman sa M.U. lang ako nagse-settle.

"Alam mo Cheryle, sariling love-life mo na lang atupagin mo," bira ko sa kaniya.

Naglakad kami papuntang gym at naupo sa unahang bahagi ng bleachers.

Syempre, hindi mawawala ang sports sa ganitong uri ng mga okasyon. Isa ang school namin sa pinakamagaling sa larangan ng sports. This school is high-ranking in terms of academics, arts, and sports.

Narinig kong nagtilian ang mga katabi kong babae nang biglang dumating ang College of Business basketball team

"Kyaahh! Si Fafa Travis!" malakas na sigaw ng babaeng nasa likod ko.

"Hala, hala! 'Teh! Papunta siya dito!" sigaw naman ng babaeng katabi nito. Seriously? Kailangan niyo ba talagang magsigawan kahit magkatabi lang kayo?

Nagulat ako nang biglang huminto sa harap ko si Travis, the douche, na kinababaliwan ng maraming babae except me.

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang lumunod sa harap ko na parang magpo-propose. He looked at my eyes—just like how he looks at other girls' eyes. But ang nakikita ko lang sa mga mata niya ngayon ay ang pagiging douche niya.

Cecilion's Arrow (Book 1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz