Going Back

33 10 0
                                    

Kyrie Maius "KM" Apostello

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kyrie Maius "KM" Apostello

Inalalayan ako ni Dwayne hanggang sa makarating kami sa hotel. Ini-upo niya ako sa sofa na nasa lobby ng hotel. Hinubad ko na ang jacket na suot ko dahil hindi naman malamig sa loob ng hotel.

"Are you okay?" alalang tanong ni Dwayne sa akin habang hawak ang braso ko. Tinignan ko ang braso na hawak niya at nakita ko na may sugat doon.

"Yes, I'm fine. No need to worry," I reassure him dahil mukhang galos lang naman 'to.

Sa totoo lang ay okay lang naman talaga ako. Medyo nagulat lang ako sa pagsigaw ni Felix. That's all. Hindi kami ganoong kaclose kaya naman hindi ko pa siya nakitang magalit. Siguro, first time 'to.

Nakita kong yumukom ang kamo ni Dwayne kaya naman hinawakan ko iyon.

"Is everything okay?" usisa ko.

"It's just—I can't believe na sisigawan ka ni Felix for petty things like that," bakas ang inis sa tono niya. "Dapat ba sinapak ko na siya? At inalis ko na lang pagiging disente ko?" dagdag pa niya.

"Why are you laughing?" kunot-noong tanong niya nang marinig niya akong tumawa. Bakit kasi ang cute niya kapag naiinis?

"Nothing.." sagot ko sa pagitan ng aking pagtawa, "You look cool back there. Hindi mo naman kailangan ng violence para maging matapang ka," I told him.

Another thing that I like about Dwayne is his decent demeanor. He knows how to act with respect to others. With that thought, I remember him. Isang tao na rason kung bakit ayaw ng puso kong umibig muli.

"How's your wound? Gusto mo bang magpatingin sa doctor?" tanong niya at tinignan muli ang aking braso.

"Okay lang naman. Galos lang naman. Hindi naman nagdudugo at sumasakit." I don't know when and where did I got this long scar. Kung hindi pa binanggit sa akin ni Dwayne kanina ay hindi ko malalaman.

"Binigyan ka pa niya ng sugat? Ha! I should have punched him straight in his face!" gigil na bigkas niya. Napatawa ulit ako dahil sa cute na ekspresyon niya. Paano ba nagagawa ng isang tao na maging cute kahit galit? Ano bang klaseng mahika ang meron sila?


Valerie Esquivel

Nakita ko sa lounge ng hotel sina Dwayne at KM. They look adorable. It's been a while noong huli kong nakitang tumawa si KM ng ganiyan after ng nangyari 2 years ago. She deserves to be happy kaya hindi ako tutol sa kanila ni Dwayne. I know Dwayne. He wouldn't hurt her.

Sa totoo lang naiinggit ako sa kanila. Gusto ko din ng boyfriend na papatawanin ako. Hays, 'yung mga nagiging jowa ko kasi puro kawalang-hiyaan lang alam. Puro panloloko ginagawa. Sobrang hirap na talagang makahanap ng matinong lalaki sa panahon ngayon. 'Yung lalaki na tatanggapin kung sino't ano ka. 'Yung lalaki na kahit makita ang pinakaworst side ng buhay mo hindi ka itatratong basura. But that's the reality. We only love someone for our own interest. We love them because they makes us happy—because they make us feel loved.

Cecilion's Arrow (Book 1)Where stories live. Discover now