On the way to Switzerland

52 23 0
                                    

Kyrie Maius "KM" Apostello

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.

Kyrie Maius "KM" Apostello

Ilang araw na rin ang lumipas simula noong guluhin ni Felix ang utak ko tungkol sa totoo kong nararamdaman para kay Dwayne. It's been days pero hindi pa din ako sigurado sa kung ano ang isasagot ko. Mabuting tao naman si Dwayne; may istura, sweet at sa totoo lang boyfriend material na siya. Kaso...

Napabalikwas ako sa aking kama at nawala sa malalim kong pag-iisip nang biglang nag-ring ang doorbell ng bahay ko. Pagkabukas ko sa pinto ay sumalubong sa akin ang maaliwalas na mukha ni Dwayne. Nakasuot siya ng black & white stripes na polo shirt habang ang ilang botones niya ay nakabukas na lalong nagpahighlight sa collarbone niya.

"Let's go, baka ma-late na tayo sa flight." Kinuha niya ang maleta ko at isinakay sa kaniyang kotse.

"Nasa airport na sila Valerie—she texted me a while ago. Our flight is 10 p.m. I guess we can grab dinner on our way," he said giving me the sweetest smile he had. I look at my watch—it's 4:00 p.m. and an hour's trip to the airport, I guess maaga pa nga kami.

Ngayong araw ang pagpunta namin sa Switzerland na plinano ni Ate Val last week. It's been a week na din pala. Parang ang bilis ng panahon. Sabi ni Ate Val baka abutin kami ng ilang araw doon dahil iikutin namin ang Switzerland.

After nang nangyari sa gabing pag-uusap namin ni Felix ay mas naging close kami ni Dwayne. Ang ironic lang na kami ni Dwayne ang naging close instead na kami ni Felix. I don't know. Maybe the moment he asked me if I really like Dwayne makes me realize that I indeed like him. Unti-unti nabubuksan muli ang puso ko—but not so fast dahil hindi ko pa din kayang magtiwala tulad dati. Kapag nasaktan ka na, minsan hindi ka na maniniwalang muli sa pag-ibig.

"Did you dyed your hair?" Dwayne asked pagkasakay namin sa kotse niya.

"Nope. Hair extension lang, you know—for a change," sagot ko.

Tumingin siya sa akin at ngumiti, "It suits you. You look prettier." Bahagya akong namula sa sinabi niya.

He's been like that lately—always complimenting me. Iyon bang mga simpleng compliments lang tulad ng "ang ganda mo ngayon", "you smell nice", "your dress suits you", at "your smile is beautiful". Hindi ko akalain na sobrang laking positivity pala ang naidudulot ng isang compliment.

Nagstop-over kami sa isang French restaurant, 5km away sa airport. Never pa 'kong pinakain ni Dwayne sa murang kainan lang. Though, I insist na okay lang ako kahit saan at mas gusto ko sa mumurahing kainan ay lagi niya pa din akong dinadala sa mamahaling kainan—something na hindi ko kinasanayan. Galing sa mayamang pamilya si Dwayne pero ayokong gawing rason 'yon para lagi siyang gumastos ng malaking halaga sa tuwing lalabas kami.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretsyo na agad kami sa airport. Bakas sa mukha namin ang excitement sa aming gagawing travel.

Isa talaga sa mga travel list ko ang Switzerland. Maganda kasi ang tanawin doon, puno ng mga magagandang bulaklak ang paligid. At sobrang nakakarelax talaga if you really love nature like me. Hindi ako sigurado kung anong season doon ngayon. Pero spring siguro dahil early May pa lang. Sakto lang ang panahon, hindi masyadong malamig at hindi din naman masyadong mainit. Tamang-tama lang para makapag-ikot ikot at ma-appreciate ang palagid.

Cecilion's Arrow (Book 1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz