Mémoire

38 5 0
                                    

2 years ago

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

2 years ago...

Kyrie Maius "KM" Apostello

I've been living a pretty normal life. I have a part-time job, I do piano gigs sa mga kasal at sa iba pang mga special occasions.

I am currently 20 years old, and I have a boyfriend for 2 years. Nagkakilala kami sa isang musical performance kung saan parehas kaming nagperform.

Katulad ko ay isa din siyang pianista but with a degree. Madaming instruments ang kaya niyang tugtugin at sanay din siyang mag-compose ng sarili niyang kanta. He's currently studying Bachelor in Music Production sa isang sikat na paaralan na mostly focuses sa arts and music, ang Cadence Academy. He's father is a composer at singer naman ang nanay niya.

Narinig ko na may tumatawag sa aking telepono.

"Anna, yep. We're coming," sagot ko sa kabilang linya bago ko ibinaba ang tawag.

Tutugtog ako ngayon sa kasal ng tita ni Anna. Hindi kami ganoon kaclose sa isa't isa pero naging friends kami when I was in elementary, noong elementary graduation na ang huling pagkikita namin.

Well, kahit hindi kami close okay lang since she's giving me a job, which is I barely need to survive. My bills are overdue, kailangan na kailangan ko na ng pera.

I texted Nathan, my boyfriend. Ngunit bago ko pa ma-send ang text ko ay narinig ko na ang busina ng kaniyang kotse sa labas. Dali-dali kong kinuha ang gamit ko at tumakbo palabas.

"Easy lang, maaga pa naman tayo," saad niya pagkasakay ko sa kotse. He planted a kiss on my cheeks bago niya pinaadar ang kotse.

We arrived an hour early sa venue. We organize everything at nag-practice na din kami ni Nathan para sa aming gagawing piano duet. I invited my friends para mapanood ang performance namin. Parang tradisyon ko na rin 'to. Lagi kong pinapapunta sila Ate Val sa mga piano performance ko—for moral support ba. Well, I don't know pero komportable ako sa kanila.

Lately ko lang naging kaibigan sila Ate Val, Jethro at Felix. Si Julius lang ang nag-introduce sa kanila sa akin. Mukhang masaya naman sila every time na nakikita nila akong tumutugtog, plus they're so supportive kaya wala na akong ibang mahihiling pa.

After ng kasal ay ang reception. Sa reception kami nagperform ni Nathan. Napili naming tugtugin ang Canon in D Major ni Pachelbel.

Nagsimula na ang aming pagtugtog. Malumanay ngunit madamdamin. Ang paggalaw ng aming mga kamay ay tila may sariling ritmo. Tugma. Tila hinulma upang maging magkasama. Katulad ng mga binubuo naming tunog gamit ang mga nota.

Madaming beses na din kaming tumugtog na magkasama ni Nathan. When I'm thinking about those times parang gusto ko nang i-fast-forward ang panahon papunta sa aming kasal.

Sa kasal namin gusto kong makita kung paano siya iiyak habang lumalakad ako sa aisle papunta sa kaniya. Gusto kong maramdaman ang halik na pagsasaluhan namin pagkatapos naming bigkasin ang aming sumpaan sa isa't isa. Gusto kong marinig ang gagawin naming pagtugtog pagkatapos ng aming kasal. Gusto ko ding masubaybayan ang paglaki ng aming magiging anak. Mga maliliit na bagay ngunit gusto kong i-cherish at itanim sa puso ko ng sobrang tagal.

Cecilion's Arrow (Book 1)Where stories live. Discover now