Date and Disappearance

29 6 0
                                    

Kyrie Maius "KM" Apostello

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kyrie Maius "KM" Apostello

Hindi pa din mawala sa isip ko ang mga nangyari kagabi.

FLASHBACK

Pinapanood kong magswimming mag-isa si Dwayne. Magaling siyang magswimming kaya siguro malapad ang balikat niya.

"Ayaw mo ba talagang mag-swimming?" sigaw na tanong ni Dwayne sa akin habang nasa gitna siya ng pool.

Hindi naman kasi ako marunong lumangoy kaya hindi din ako mag-eenjoy mag-swimming. Saka isa pa nalunod na 'ko dati, nadala na 'ko. Once is enough! Gugustuhin ko pa bang i-try at ipahamak ang sarili ko?

"No, I'm fine! Enjoy ka lang dyan," sigaw ko pabalik.

Pagkatapos ng ilang minuto'y nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Dwayne. Nasa pinakadulo siya ng pool at tila nalulunod.

"KM!—" sigaw niya.

Naalarma ako kaya pumunta ako sa gilid ng pool malapit sa kaniya. Ngunit pagkadating ko doon ay wala na akong makitang Dwayne. Dahil sa adrenaline rush na naramdaman ko ay bigla akong napatalon sa pool. Tumalon ako nang 'di nag-iisip. Pagkatalon ko'y naramdaman ko ang malamig na tubig sa aking buong katawan. Idinilat ko ang aking mga mata. Nakita ko ang tubig na nakapaligid sa akin. Nabalot ako ng takot kaya ipinikit kong muli ang mga ito.

Ngunit naalala ko si Dwayne—Si Dwayne!—kaya't dumilat akong muli. Pagkabukas ng aking mga mata ay bumungad sa akin si Dwayne. Tinitigan niya ako sa mata saka hinila ang aking balakang papunta sa kaniya. Maya-maya pa'y nasa ibabaw na ng tubig ang aming ulo.

"Alam mo bang—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong halikan sa labi. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Ngunit para siyang may sariling mahika na pagkatapos ng ilang segundo ay hindi ko na namalayan na sumusunod na ako sa ritmo ng kaniyang paghalik.

END OF FLASHBACK

"Are you ready?" He smiled as he stand coolly at the door. "Car's ready, I'll be waiting in front," dagdag niya bago siya tuluyang umalis.

Nag-rent kami ng sasakyan dito sa hotel since may in-offer naman sila. Nag-rent si Dwayne ng kotse for convenience. He told me na may pupuntahan kami bago ang flight namin pabalik ng Pinas mamayang 10 p.m.

Pumunta ako sa harap ng hotel para abangan ang sasakyan niya. Habang naghihintay ako ay may nakita akong pamilyar na mukha sa kumpol ng mga tao. Nakasuot iyon ng itim na hood at itim na sombrero.

Nagulat ako nang biglang bumusina ang kotse sa harap ko. "Hop in!" bulalas ni Dwayne sa loob ng sasakyan. Sumakay ako sa passenger seat saka kami umalis.

Hindi maalis sa isip ko kung sino ang lalaking nakita ko kanina. Alam ko na kilala ko siya dahil nararamdaman ko na kilala ko siya. Ngunit hindi ko masigurado kung sino talaga siya. Imbis na mag-isip nang mag-isip tungkol sa katauhan ng lalaki na iyon ay minabuti ko na lang munang alisin siya sa aking isip at i-appreciate ang ganda ng paligid. Ito na ang huling araw ko sa Switzerland kaya naman kailangan ko itong sulitin.

Cecilion's Arrow (Book 1)Where stories live. Discover now