Syzygy

60 26 0
                                    

Jethro Sanchez

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Jethro Sanchez

Matapos ang ilang minutong pagmamaneho ay nakarating na kami sa isang garden museum na laging pinupuntahan ni Felix. Ipinarada ko ang aking motor sa parking lot habang si Felix naman ay naghihintay sa akin sa entrance door.

Minsan napapaisip ako kung nababakla na ba 'tong mokong na 'to. Ba't kasi hindi babae ang isama niya dito? Every year simula noong naging magkaibigan kami ay lagi kaming pumupunta dito. At sa bawat pagpunta namin dito ay puro magjowa ang magkasama. Nauubos kahihiyan ko dahil sa kaniya, susko.

Pinuntahan ko na siya sa entrance at sabay kaming pumasok sa loob ng museum—magjowang magjowa talaga, 'no? Kulang na lang makipagholding hands ako sa kaniya at tawagin siyang "oppa~". Ugh fuck! Kasuka isipin. Maduwal-duwal pa 'ko.

"Ginagawa mo?" kunot-noong tanong ni Felix nang makita niya ang peke kong pagduwal.

"Oppa~ buntis ako oppa," sagot ko at nagpacute na parang babaeng malapit nang maihi sa salawal.

"Omo! Yeobo! Jinjayo? Omo!" tugon niya at umakto pa na kunyari ay nagulat.

Napansin ko na nagtitinginan na ang mga tao sa amin at ang ilan sa kanila ay tumatawa pa. Kaya pinakyu ko na lang siya at pinakyu niya din ako pabalik. Aww, my love so sweet.

Tinignan lang namin ang iba't ibang halaman sa loob ng museum. Hindi ganoong kaganda ang museum na ito, puro bulaklak lang. Sa totoo lang, hindi ako fan ng bulaklak. Maganda sila, oo. Pero mabilis din naman silang mawala. Saka hindi lahat ng maganda sa panlabas ay totoong maganda.

Sa loob ng museum ay may iba't ibang section kung saan iba-iba rin ang temperature, depende sa kung ano ang kailangan ng mga halamang naroon.

Sinusundan ko lang si Felix habang lumilinga-linga sa paligid—kunyari na-aappreciate ko ang view at vibes ng museum na may saliw ng romantikong musika. Hay nako Felix kung 'di lang kita kaibigan.

"Oh!" gulat na sigaw ko.


Third person POV

"Oh!" sigaw ni Jethro kaya't nagtinginan sa kaniya ang ilang mga tao sa paligid.

"Oh Jeth! Bakit ka nandito?" tanong ng babae nang makalapit na ito kay Jethro.

"Nagdi-date kami ni Felix as you can see," biro ni Jethro saka hinawakan ang kamay ni Felix upang makipagholding hands at saka ipinakita sa babae.

Habang si Felix naman ay tila naistatwa sa kaniyang pagkakatayo at nakatingin lamang sa babae. Ngunit nag-iba ang ekspresyon ng kaniyang mukha nang makita ang katabi nito. Hinawi niya ang kamay ni Jethro dahil sa inis.

"Anong ginagawa niyo dito ni Dwayne?" tanong ni Jethro sa babae—si KM.

"Ahh. Tumitingin lang ng mga bulaklak," alangang sagot ni KM. "Di ko akalaing mahilig ka pala sa bulaklak Jeth," pag-iba nito ng topic.

Cecilion's Arrow (Book 1)Where stories live. Discover now