Good Ol'days

9 0 0
                                    

Kyrie Maius "KM" Apostello

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kyrie Maius "KM" Apostello

Nakahiga ako sa kama at nakatingin sa madilim na kisame ng aking kwarto. Iniisip ko pa din ang mga nangyari sa nagdaang buwan. Tila ba may unos na dumaan sa buhay ko, at tinangay ako sa pinakamadilim na parte ng isip ko. Sa nangyari sa amin ni Dwayne at naganap sa supposedly pagbisita ko sa mga magulang ko after 12 years, made a huge impact in me. Para bang hinampas ako ng napalaking alon para magising sa katotohanang nilulunod ko ang sarili ko sa nakaraan.

I've been through the worst. Pero kahit ganoon masakit pa din kahit paulit-ulit na nangyayari. Totoo nga ang sinabi ni Ate Val. Hindi tayo mga robot na kayang mag-input ng sakit na after nating maranasan ay para bang wala na. Tao pa din tayo, masakit pa din kahit sabihin pa nating manhid na tayo dahil sa paulit-ulit na sakit.

But after all the mess, I'm still standing—I'm still breathing and living. Life goes on kahit na anong mangyari. I can't give up. No one should ever give up. Naiisip lang naman nating mag-give up kapag nasa darkest time tayo. Have you tried giving up habang masaya ka sa ginagawa mo?

Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga nang marinig kong mag-ring ang aking cellphone. Kinuha ko ito sa aking nightstand at sinagot ang tawag.

"Nasaan ka?" bungad na tanong sa akin ni Felix mula sa telepono.

"Sa bahay, of course. Sa tingin mo ba magka-club ako ng 2 a.m?" sarkastikong sagot ko sa kaniya.

"Why not? Gawain mo kaya 'yun," tugon niya. Can't deny that. Lagi akong nasa club after ng nangyari kay Dwayne—for distraction.

"Bakit ka ba tumawag?" tanong ko dahil sino ba namang siraulo ang tatawagan ka ng 2 a.m?

"Nag-aya sila Jethro. Nasa labas kami ngayon ng bahay mo." saad niya na nagpatayo sa akin. Tumingin ako sa bintana to confirm kung totoo ba ang sinasabi niya—and yes, nandoon sila.

"Okay, coming," sagot ko at ibinaba ang tawag.

Hindi na ako nagpalit ng damit at lumabas na ng bahay. Nagulat ako ng makita kong nakaupo si Felix sa backseat ng sasakyan at hindi sa paborito niyang pwesto sa shotgun.

"Dito ka yata naupo imbis na sa shotgun," bigkas ko pagkaupo ko.

"Medyo nakakasawa na doon," tipid na sagot niya.

"Saan tayo pupunta? Doon pa din ba?" baling na tanong ko kay Ate Val na nasa driver's seat. Tinanguan niya lang ako bilang sagot.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na kami sa 7/11 na madalas naming pagtambayan. I know it's weird at iniisip niyo na bakit 7/11 pa of all places. Well, we don't really care kung nasaan kaming lugar—cheap man 'yan or what as long as magkakasama kami that's more than enough.

Bumili kami ng ilang makakain at beer, at nagpasya kami na tumambay sa labas. Halos daily routine na yata naming lumabas ng ganitong oras tuwing wala kaming ginagawa. Just like the old times noong masaya kami, bago pumasok si Dwayne sa buhay ko. Simula kasi noong pumasok si Dwayne sa buhay ko, medyo nawalan na ako ng oras kila Ate Val.

Cecilion's Arrow (Book 1)Where stories live. Discover now