Garden of Maius

56 26 0
                                    


Kyrie Maius "KM" Apostello

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kyrie Maius "KM" Apostello

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na sumisilaw sa aking mukha. Sumasakit pa ng bahagya ang ulo ko dahil sa dami ng nainom kong alak kagabi—wHAT THE HECK?!

Napabangon ako bigla nang maalala ko lahat nang kahihiyang pinagagawa ko. Ang bobo mo talaga KM! Naiinis kong pinagpapalo ang ulo ko.

FLASHBACK

Pagkatapos umalis nila Jethro at Felix ay sunod-sunod na baso ng alak ang pinagtutungga ko. Nagkakantahan at nagtatawanan ang lahat ngunit na-reach ko na ang limit ng alcohol tolerance ko. Nang matapos na ang aming pag-iinuman ay nagpasya na kaming umuwi. Si Ate Val ang nag-uwi kay Julius dahil magkaiba kami ng bahay. Habang ako naman ay inihatid ni Dwayne sa address na ibinigay ni Ate Val.

Pasuray-suray akong naglakad palabas ng venue. Hinawakan ako ni Dwayne sa aking magkabilang balikat upang alalayan ako sa paglalakad ngunit hinawi ko iyon.

"Hindi ako lasing. Tignan mo diretsyo ako maglakad." Pagmamayabang ko saka lumakad ng pagewang-gewang na siyang naging dahilan nang malakas niyang pagtawa.

"Hoy bakit ka tumawa? Clown ba ko? Ha?" inis kong tugon. Binalikan ko siya nang tingin at nakita ang pag-angat baba ng kaniyang balikat kasabay nang paglabas ng malalakas niyang tawa.

Napangisi ako. Nakakainis.

Humakbang ako papalapit sa kaniya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya saka ko iyon pinisil gamit ang dalawa kong kamay. "Ang cute-cute..." bigkas ko. Dahil sa ginawa ko'y napatigil siya sa pagtawa. Ilang segundo niya akong tinitigan bago alalayang muli sa paglalakad hanggang sa makasakay ako sa kotse niya.

Habang nasa biyahe kami ay mas lalo akong nakaramdam ng hilo. Naramdaman ko na naduduwal ako...

END OF FLASHBACK

SUMUKA AKO SA KOTSE NIYA?! Mygahd pwede ka ng mamatay KM. Lamunin ka na sana ng lupa. Alam mo ba na milyones ang halaga ng kotseng 'yon?

Pinaghahampas ko ng unan ang ulo ko. Bakasakaling magising ako at marealize ko na panaginip lang 'yon. Ngunit nawala ang lahat ng iyon nang biglang mag-ring ang doorbell ng bahay ko.

Lumabas ako upang tignan kung sino ang bumubulabog sa akin ng ganito kaaga. Pagkabukas ko ng pinto ay laking gulat ko nang bumungad sa akin ang gwapong-gwapo na si Dwayne. Of all people bakit si Dwayne pa ang magiging morning angel ko? Like—what the actual freak! Naalala ko na hindi pa ako nag-aayos kaya mukha akong mangkukulam ngayon. Mas lalo panglumala nang maalala ko ang mga kahihiyang nagawa ko kahapon.

Sa taranta ko ay bigla kong naisara nang malakas ang pinto.

Anong ginagawa niya dito? Naman eh!

"KM?" tawag ni Dwayne mula sa kabila ng pinto. Bigla siyang tumawa nang malakas sa labas. "Can you open the door—or at least after you neaten yourself," bigkas niya pagkatapos tumawa.

Cecilion's Arrow (Book 1)Where stories live. Discover now