Mr. Dwayne Ramirez

27 8 0
                                    

Kyrie Maius "KM" Apostello

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kyrie Maius "KM" Apostello

"Hey, where did you go?" tanong sa akin ni Dwayne nang makasalubong ko siya.

"May tinignan lang ako dun," sagot ko. Hindi ko na sinabi na kinausap ko si Felix dahil ayoko na ding maalala ang mga sinabi ko sa kaniya kanina. Masyado kasi 'kong nagpadala sa emosyon ko. Dapat siguro hindi ko sa kaniya sinabi 'yon.

After naming mag-ikot-ikot ay naglunch muna kami sa loob ng park. Habang naglalunch kami ay may biglang tumawag kay Ate Val. Pagkabalik niya sa mesa namin ay nakakunot ang noo niya at nakasimangot.

"Bad news!" paunang salita niya nang makaupo na siya.

"May emergency sa guesthouse ngayon kaya need nating bumalik sa Pinas," malungkot na anunsyo niya. "Mahaba pa ang plano ko sa vacation natin. Pupunta pa tayo ng Interlaken, Basel, Geneva at Zermatt. Pero kailangan na talaga nating umuwi ngayong gabi," dagdag pa niya.

Naging malungkot ang tanghalian namin pagkatapos magsalita ni Ate Val. Halos walang nagsasalita sa amin at suot namin ang pinakamalulungkot naming ekspresyon. Nagbook si Ate Val ng flight pabalik sa Pilipinas. Ang oras ng flight ay mamayang 8 ng gabi. Dahil maaga pa naman ay nag-ikot-ikot muna kami sa Konstanz.

"Do you want to stay?" tanong sa akin ni Dwayne habang naglalakad kami.

"What do you mean?" tanong ko sa kaniya saka ako kumagat sa binili kong tinapay sa isa sa mga street stall na nadaanan namin.

Kumagat muna siya sa tinapay ko bago niya ako sagutin. "Here. Pwede tayong magpaiwan if you want. Sasabihan ko na lang si Valerie. For 1 day lang naman, tomorrow night uuwi din tayo." Nakangiti siya habang sinasabi iyon kaya napangiti din ako.

"Is that smile a yes?" tuwang tanong niya nang biglang sumulpot sa aking labi ang isang ngiti.

Tinignan ko siya at nag-isip kunwari. "Hmm... sure?" abot tengang ngiti kong sagot.

Well, it's not a bad idea. Gusto ko pa din namang magstay kasi sobrang ganda talaga dito sa Switzerland. Kung pwede nga na hindi na 'ko umuwi ay hindi na 'ko uuwi. Kung pwede lang na dito na ako tumira ay dito na ako maninirahan. Siguro kapag kinasal na ako dito kami mamalagi.

Hindi na kami sumama ni Dwayne sa airport. Sa halip ay bumiyahe na kami papunta sa Montreux dahil malayo ito sa Konstanz.

Gabi na nang makarating kami ni Dwayne sa Montreux. We decided to stay in Fairmont Le Montreux Palace. He booked a signature lake-view room. It is a luxury room with a separate living room, two beds, a balcony with a lake view, and luxury amenities.

Sinabi ko sa kaniya na 'wag na kami doon kasi sobrang mahal ng hotel at rooms nila. But he insisted. Ang gusto niya pa ngang kunin ay isang suite, pinigilan ko lang siya dahil isang gabi lang naman kaming mag-iistay dito.

After naming mag-ayos ng gamit ay nagpasya kami na kumain muna ng dinner. May mga restaurants sa loob ng hotel kaya doon na din kami kumain para hindi na kami lumabas. Sa Montreux Jazz Café namin napagdesisyunang kumain, since yung ibang restaurants dito ay pang-umaga lang habang ang iba naman ay bar and lounge lang.

Cecilion's Arrow (Book 1)Where stories live. Discover now