Hush-hush

24 0 0
                                    

Felix Eros Miseo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Felix Eros Miseo

Kanina pa kami nag-aaway ni KM tungkol sa panonoorin naming movie. She wants to watch a romantic movie habang ako naman ay horror movie. Hindi ko alam kung ano bang rason niya at gusto niyang manood ng cliche na palabas. Pero para sa akin mas romantic ang horror movie kaysa sa cringy love story.

Kung romantic chances lang din naman ang pag-uusapan mas lamang ang horror movies dahil mas na-istimulate nito ang dopamine sa katawan.

After our drawn-out argument ay ako na ang kusang sumuko at pumayag na lang sa gusto ni KM. 'Cause it makes sense. I'm dating her kaya dapat sundin ko kung anong gusto niyang gawin.

She bought popcorn and drinks bago kami pumasok sa sinehan. Something that I couldn't understand. Why do people eat while watching in cinemas? Where did you even get that idea? Who proposed that idiotic idea?

I entered the dimmed room habang nakasunod si KM sa aking likuran dala ang kaniyang pagkain. Naupo ako sa gitnang bahagi ng sinehan malapit sa pinakalikod.

"Oh!" Nagulat ako ng biglang mapaupo si KM sa hita ko. Bahagya akong nagulat ngunit nawala din iyon agad. This is the third time na maging ganito kami kalapit sa isa't isa. And my initial reaction is still the same. My initial thought is still the same.

"Sorry." Nag-akma siyang umalis ngunit pinigilan ko siya na ipinagtaka niya.

I wanted to kiss her again.

Wait... Fuck, what am I saying? Now I'm having an imaginary argument with myself. Magkaka-split personality na ba ako?

"Gusto mo ba na ganito tayo manood? Masyado kang vulgar ha," biro niya.

"Why not? Wala namang makakakita," sabay ko sa trip niya at ngumisi. Tinawanan niya lang ako at naupo sa upuan sa aking tabi.

The movie started. As I expected the plot is cliche. A reused plot that you can see in any other movie.

Bago matapos ang movie ay nakita kong umiiyak si KM. I tried to caress her—to comfort her, but I can't. Instead, inabutan ko na lang siya ng panyo. She gladly accepted it. Hindi ko na napigilang umangat ang sulok ng aking labi.

"Bakit ka ngumingiti diyan?" tawang tanong niya. Iniayos ko ang sarili at iniharap ang aking poker face sa itim na screen.

"Minsan natatakot na ako sa'yo. Bakit ka ba ngumingiti kahit nakakaiyak yung palabas? Psychotic ka ba?" sambit niya pagkatapos ng palabas at saka tumayo. You know what? 'Yan din ang tanong ko sa sarili ko.

"So, saan na tayo?" tanong niyang muli pagkalabas namin ng sinehan.

"Nagpareserve ako ng seats sa nearby restaurant," kaswal na sagot ko. Mga ilang hakbang lang mula dito.

"What? No," she exclaimed.

"Why? Nagpakahirap kami ni Ate Val para magpareserve dun," sagot ko. I spent hours of internal conflict para lang magtanong kay Valerie tungkol sa pwede kong gawin sa date na 'to. Tapos irereject niya lang?

Cecilion's Arrow (Book 1)Where stories live. Discover now