A Significant of True Love

29 9 0
                                    

Kyrie Maius "KM" Apostello

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kyrie Maius "KM" Apostello

Pagkagising ko ay nakita kong nakabalik na si Felix. Tinatanong siya ni Jethro kung saan siya nagpunta kahapon ngunit hindi siya nito sinasagot. Nakakapagtaka nga na bigla na lang siyang nawala.

Ngayon ay naglibot-libot kami sa Zernez at tinignan ang ilang mga historical places doon. Matapos naming maglakad-lakad sa Zernez ay sunod naman naming pinuntahan ang Rhine Falls sa pagitan ng Schaffhausen at Zurich. Mayroong iba't ibang boat cruises na pwedeng pagpilian para maexperience ang ganda ng Rhine Falls. Ang pinili namin ay ang Rock tour kung saan pupwede kaming umalis sa sinasakyan naming bangka at umakyat sa taas ng bato via staircase kung saan makikita mo ang 360 degree panoramic view ng falls.

Ang boat ride na ito ay nagkakahalaga ng 10 Swiss Franc per head. Sa loob ng cruise ay mayroon ding iba pang mga turista galing sa iba't ibang bansa.

Pumunta ako sa upper deck ng cruise ship at sumandal sa handrail niyon. Hindi ko maitatanggi ang ganda ng scenic view ng Switzerland. Rinig ko ang malakas na pagsalpok ng alon sa aming sinasakyan. Amoy ko rin ang kakaibang simoy ng hangin. Matatanaw mo ang kabuuan ng kumikislap-kislap na tubig. Habang nagmumuni-muni ako ay tumabi sa akin si Dwayne. Inalok niya ako ng inumin saka tumingin sa kabuuan ng Rhine Falls.

"KM," tawag niya sa akin. Humarap siya sa akin at may kinuhang kung ano sa inner pocket ng jacket niya.

"Magic!" bigkas niya saka tumatawa. Inabot niya sa akin ang rosas na hinugot niya sa kaniyang jacket.

"Para saan 'to?" abot tengang ngiting tanong ko.

"Para sa pinakamagandang babae na nakilala ko," sagot niya habang nakatingin sa aking mga mata. Nakakalusaw ang ngiti niya. Kitang-kita ko din sa berde niyang mga mata ang repleksyon ng aking mukha. In his eyes, I looked so beautiful. I felt like I'm a precious gem in his emerald eyes.

Ramdam ko ang sinseridad sa mga sinasabi niya. Ramdam ko na seryoso siya. Pero hindi dapat ako mahulog. Iyon ang laging binubulong ng utak ko. Takot akong masaktan ulit. Nakakatakot masaktan ulit. Pero ganun naman talaga siguro kapag nagmamahal 'di ba? Nasasaktan.

Bahagya akong nagulat nang bigla niya akong yakapin. The warmth of his body and the cold gentle breeze—this moment seems like Goldilock's condition. Not too hot and not too cold.

Wala na akong ibang nagawa kaya't niyakap ko na lang din siya pabalik. Rinig ko ang mabilis ngunit nakakalmang tibok ng kaniyang puso. Napaisip ako kung naririnig niya din ba ang tibok ng puso ko. Dahil sa tuwing malapit siya sa akin ay para bang nakikipagkarera ang puso ko sa sobrang bilis niyon.

Ramdam ko na nakangiti siya kahit hindi ko siya nakikita kaya't napangiti rin ako. Hindi ko alam kung may scientific explanation ba 'to pero sa tuwing ngumingiti siya napapangiti din ako, bawat ekspresyon ng mukha niya nagagaya ko. Kapag masaya siya ay sumasaya din ako. Kaya kapag malungkot siya ay tila nalulungkot din ako.

Cecilion's Arrow (Book 1)Where stories live. Discover now