When the Love Falls

16 2 0
                                    

Kyrie Maius "KM" Apostello

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kyrie Maius "KM" Apostello

"Para sa ating weather news report. Kasalukuyang papasok ang hanging habagat sa ating bansa kaya naman asahan ang malakas na pag-ulan sa mga susunod na araw," rinig kong anunsyo mula sa radyo habang palabas ako sa aming barangay. Kasunod nito ang isa pang balita.

"Isang binatang lalaki ang namatay matapos barilin ng pulis sa Caloocan, Metro Manila dahil umano sa droga. Patuloy pa din ang ginagawang rally sa loob at labas ng Amerika ukol sa rasismo at diskriminasyon."

Sa totoo lang, hindi naman talaga ito tungkol sa mga pulis, sa gobyernong sinasabi nating walang silbi, o sa mga puti na hindi tanggap ang mga itim. It's not about them. We can't blame the cops, the government, and the Whites, generally. We should blame the evil—the doer of the evil. Dahil lahat ng masamang nangyayari sa mundo ay kagagawan ng evil—not the cops, not the government nor the Whites.

It's the evil, the devil that's inhabiting our mind and body. The world is in chaos. Humanity is failing. Love is vanishing. At walang may alam kung kailan iyon nagsimula, but one thing is for sure, it's becoming grievous.

"Tricycle!" tawag ko kay manong na nasa kanto. "Sa Mall lang po," saad ko pagkaupo ko sa loob.

Napagdesisyunan kong bumili muna ng ilang groceries para kila mama at papa bago ako pumunta doon. It's been 12 years simula noong huli ko silang makasama. Sobrang nasasabik na akong makita ulit sila. Yung eagerness at enthusiasm ko ngayon ay maikukumpara mo na sa isang bata na finally ay pinayagan ng lumabas ng kaniyang ina. O di kaya 'yung excitement mo nung pinayagan kang sumama sa field trip niyo na hindi sila kasama. Ito yung excitement mo na minsan ay dahilan kung bakit hindi ka makatulog.

Sobrang saya ko noong nanood sila mama at papa sa performance namin ni Dwayne.

Dwayne. The lingering thoughts of him still hurts me. Saying his name felt like I'm being choked by my own saliva—it's a burden. Kapag binibigkas ko—o kahit isipin ko lang ang pangalan niya ay para ba akong sinasakal at tila hindi ako makahinga. Hanggang sa namamalayan ko na lang ang sarili ko na lumuluha. I didn't know na ang saglit na pinagsamahan namin ay magiging mahirap na limutin.

I went straight to the supermarket. Bumili ako ng mga lutuing ulam, gatas para kila mama at papa, toothpaste, shampoo, sabon at syempre alak para sa gagawin naming girls' talk ni Julius.

Habang naglalakad ako ay nakakita ako ng stall na nagtitinda ng mga scented candles. Naaalala ko na mahilig si mama dito. Halos lahat ng sulok ng bahay namin noon ay may scented candle kaya tuwing papasok ako sa school ay ganoon din ang amoy ko.

Napangiti ako nang maalala ang mga panahon na iyon. Pumapasok ako lagi na mabango dahil sa mga scented candles na nasa bahay.

"Miss, magkano yung scented candle ninyo?" tanong ko sa tindera.

"100 po, 3 pieces. Kayo na pong bahala kung anong scent ang gusto niyo," sagot niya.

"Anong bang magandang scent para sa hindi makatulog saka sa may ubo't sipon?" Naalala ko kasi na madalas hindi makatulog sa gabi si papa. At madalas namang ubuhin at sipunin si mama. Kaya maganda kung ang bibilhin ko ay makakatulong sa kanila.

"Yung French lavender po good for relieving headaches and aiding sleep. Yun naman pong ginger and walnut for cold and flu prevention," paliwanag ng tindera.

"Sige, iyong dalawa tapos kahit ano na lang 'yung isa," tugon ko.

Matapos kong mamili ay lumabas na ako ng mall. Pagkalabas ko ng mall ay agad kong narinig ang malakas na pagbuhos ng ulan. May kalakasan din ang hampas ng hangin at malamig ito sa balat. Nagpatila muna ako sa harap ng mall at nagbakasakaling may dumating na tricycle.

Bahagya akong natawa nang maalala ko ang memorya namin noon ni Nathan. We both love rainy days. Tuwing umuulan ay lumalabas kami ng bahay at nagpapaulan. Iniikot namin ang buong subdivision nila at naglalaro kami sa playground roon na parang mga bata. I thought how happy I was back then na kasama siyang gawin lahat ng mga mundane things. Lahat ng simpleng bagay nagiging espesyal dahil sa kaniya. Doon ko naisip na masarap mamuhay ng ordinaryong buhay basta't kasama mo ang taong magpaparamdam sa'yo na ikaw ang pinakaespesyal sa lahat.

With that reverie, naisip ko: what if ginawa din namin ni Dwayne 'yun? Mas magiging masaya ba 'ko? Mahihigitan ba ni Dwayne ang saya na pinaranas sa akin ni Nathan? Napakarami thoughts na gumugulo sa isip ko.

Sobrang nasaktan ako sa pang-iiwan sa akin ni Nathan dahil nanghinayang ako sa dalawang taon na pinagsamahan namin. Pero hindi ba mas nakakapanghinayang si Dwayne dahil hindi ko man lang naranasang gawin ang mga bagay na gusto kong gawin na kasama siya?

Madami akong "should have's", madaming akong regrets. Ganoon ba talaga? Kung kailan natutunan mo nang mahalin ang isang tao doon pa sila mawawala? Kung kailan natutunan mo na silang mahalin doon ka pa nila iiwan?

Napabalik ako sa realidad at napansin ko na mas lalong lumakas ang pagbuhos ng ulan. Rinig na rinig ang malalaking patak nito sa semento't bubungan.

"Dinadamayan ba ako ngayon ng langit?" I chuckled. Siguro ramdam din ng langit ang hinagpis ng puso ko. Siguro alam ng langit na umiiyak ang puso ko.

Imbis na lamunin ng malungkot kong kaisipan ay inaliw ko na lang ang sarili ko at tinignan ang bawat mukha ng mga estrangherong nagdadaan. Ngunit mas lalo akong nalungkot. Dahil sa lahat ng mga mukha na 'to kaniya lang ang gusto kong makita, iyon lang ang gusto kong muling makita.

Habang lumilinga sa paligid ay napukaw ng aking atensyon ang isang lalaki na nakatayo sa 'di kalayuan. Nakatingin ang kulay berdeng mga mata nito sa akin.

"Dwayne..." mahina kong bulong.

Nang mapagtanto't masigurado ko kung sino siya ay dali-dali akong tumakbo papunta sa kaniyang puwesto. 'Di ko inalintana ang malakas na buhos ng ulan sa aking buong katawan. Sinuong ko ang malakas na patak ng ulan nang walang pag-aalinlangan.

Biglang dumami ang tao sa paligid. Hindi ako makagalaw. Naiipit ako sa pagitan ng daloy ng mga taong nagdaraan. Sa kabila ng gulo sa paligid ko ay hindi ko pa rin maalis ang pagkakatitig sa lalaking nasa harap ko. Ni ayokong kumurap dahil baka bigla ulit siyang mawala—isang bagay na pinaka kinatatakutan ko.

Hindi siya natinag sa kaniyang pagkakatayo at nanatiling nakatingin sa akin ng diretsyo suot ang hindi pangkaraniwang ekspresyon na ngayon ko lang nakita. Malamig. Walang emosyon. Hindi ito ang Dwayne na kilala ko.

"Dwayne, please... don't leave me. I need you."

Patuloy ang pag-agos ng mga luha ko. Sumisikip na ang dibdib ko, hindi ko alam kung dahil ba 'to sa dami ng tao o dahil sa sakit na nararamdaman ko. Abot-kamay ko lang siya ngunit bakit hindi ko siya maabot?

"Hindi ba pwedeng bumalik ka na lang?" bulong ko. Tuluyan ng nanghina ang mga tuhod ko kaya't napaupo ako sa malamig at basang sahig.

Nagulat ako nang marinig ang isang malakas na busina ng sasakyan.

"Hoy! Miss! Nakaharang ka sa daan! Baka gusto mong tumabi?!" sigaw ng driver mula sa bintana ng driver's seat ng kaniyang sasakyan.

Tinignan ko ang aking paligid. Walang tao.

"KM!" sigaw ni Julius nang makita niya ako. Itinayo niya ako at inalalayan papunta sa waiting shed.

"Anong nangyari sa'yo? Bakit basang-basa ka?" nag-aalalang tanong niya. Hinubad niya ang jacket niya at isinuot sa akin.

"Si Dwayne. Nakita ko siya. Jul, nakita ko siya! Pero bakit—bakit?" Nagpatuloy ang pag-uunahan nang pagtulo ng mga luha ko.

Bakit? Gusto ko lang namang magmahal. Gusto ko lang naman mahalin. Pero bakit? Kailangan ko ng dahilan kung bakit! Bakit ba ako iniiwan ng wala man lang rason? Bakit? Kailangan ko ba talagang masaktan ng paulit-ulit bago ako mahalin? Ganito ba kahirap magmahal? Na kahit itaya mo nang lahat wala pa din?!

Cecilion's Arrow (Book 1)Where stories live. Discover now