Be My Babe

11 0 0
                                    

Felix Eros Miseo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Felix Eros Miseo

I didn't expect she'll agree with my proposal last night. Akala ko magagalit siya sa akin dahil para bang minamaliit ko lang kung anong nararamdaman niya at pinagsamahan nilang dalawa ni Dwayne.

"How are you, hija?" tanong ng nanay ng bride kay KM. We decided na bumalik ulit sa hotel dahil ayaw umalis ni KM ng hindi nakakapagpaalam ng maayos. Nakakasira daw iyon ng business.

"I'm okay naman na po," sagot ni KM.

"That's good to hear. Hopefully, nakapag-enjoy pa din kayo ng boyfriend mo," tugon nito. Anong boyfriend pinagsasabi ng matanda na 'to?

"Yes po. Nag-enjoy naman po kami ng boyfriend ko," ngiting sagot ni KM, ipinulupot niya ang kaniyang braso sa akin. The fuck are you saying? Hindi ako nag-enjoy mahulog sa sahig pagkatapos mo akong sipain habang tulog ka.

Ngumiti nang pilyo ang matanda, "Basta 'wag ninyong kakalimutang gumamit ng proteksyon ha," ani pa niya na tinawanan lang ni KM, habang ako naman ay namula. Ako ang nahihiya sa mga sinasabi ng matanda na 'to e.

"Sige na baka naaabala ko na kayo," dagdag pa niya. "Hijo, ingatan mo ang girlfriend mo ha," paalala niya sa akin bago tuluyang umalis. Nginitian ko lang siya dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko. I don't know if I'm protecting her—if I'm protecting them—or I'm hurting them more.

Rinig ko pa din ang malakas na hampas ng alon ng dagat pagkalabas namin ng hotel. 'Di ko akalaing maganda din pala dito sa Ilocos.

"Babe!" rinig kong tawag ni KM. I turned my gaze at her and saw that she was pouting childishly. What's wrong with her?

"The fuck?" I blurted.

"Babe naman. Why you mura me? Hmp hmp!" saad niya at naglakad palapit sa akin.

"Titigil ka ba o..." babala ko.

"O ano? Sino kayang nagsuggest na makipagdate sa akin para maka-move on?" sabat niya, pinaikot niya ang kaniyang mata at humalukipkip.

Bakit ko nga ba sinuggest yun? Winalang bahala ko na lang siya at tumalikod.

"Babe!" sigaw ulit niya.

"Ano ba?!" sigaw ko pabalik at humarap ulit sa kaniya.

"Yieee! So, babe na kita ngayon?" inis niya. Ano bang problema ng babae na 'to? Napapa-facepalm ako dahil sa kaniya.

Nagulat ako ng bigla niyang isukbit ang kaniyang braso sa aking leeg at sumampa sa likod ko.

"Anong ginagawa mo? Bumaba ka nga!" utos ko. Akala niya ba magaan siya?

"Ayoko nga. Piggyback ride mo ko," saad niya at mas lalong hinigpitan ang kapit sa akin. Parusa ba 'to sa 'kin? The heck! Sana pala 'di na lang ako nagsalita at hinayaan na lang akong lamunin ng sarili kong konsensya.

Cecilion's Arrow (Book 1)Where stories live. Discover now