Guilt-ridden Acts

12 0 0
                                    

Felix Eros Miseo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Felix Eros Miseo

This is not the response that I expected.

"Bakit naman ako matatakot? Anong bang dapat kong ikatakot? Mabuti kang tao kaya anong dapat kong ikatakot?" saad ni KM habang nakayakap sa akin. Those words are familiar, its too familiar kaya't naitulak ko siya palayo.

"Aray! Ano ba?! Ikaw na nga ang sinasabihan na mabuting tao, ikaw pa ganiyan mag-react," singal niya. She's becoming too familiar.

"Kainis 'to! Makaalis na nga!" dagdag pa niya saka tumayo sa kama at umalis.

"Saan ka pupunta?!" sigaw ko sa kaniya sa hallway. Imbis na sagutin ako ay miniddle finger niya lang ako habang naglalakad.

My bad, she's not familiar. Ibang klase siya.

Nagpasya akong pumunta sa studio dahil malakas ang kutob ko na doon siya pupunta. And yes! I'm right. She's here sitting on a piano bench. Pwede na siguro akong fortune teller nito. Insert sarcasm.

Pumasok ako sa loob at naupo sa tabi niya.

"Bakit nandito ka?" inis na tanong niya.

"Let's do a piano duet." Napatigil siya dahil sa sinabi ko. She's looking at me with her "what the fuck dude?"-expression. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ba lagi akong nakaka-receive ng ganiyang tingin.

"No way!" mariing tutol niya.

"Yes way!" tugon ko.

"Felix, hindi mo naman alam kung anong tutugtugin ko kaya... no," sagot niya saka tumipa ulit ng ilang nota.

"Ano bang tutugtugin mo? Self-compose?" Tumango siya at nagsimulang tumugtog.

Pinanood ko lang siyang tumugtog and every time na ginagawa ko 'to mas lalo akong napapaisip na isa nga siyang unknown goddess of music.

"Tumugtog ka ulit. I'll do my part," bigkas ko pagkatapos niyang tumugtog.

"Are you serious? Sanay ka bang magpiano?" 'di makapaniwalang tugon niya.

"Masyado mo naman yata akong minamaliit," sagot ko at inilapat ulit ang kamay niya sa piano.

Nagsimula na siyang tumugtog habang ako naman ay sumasabay sa ritmo niya. Ang ginagawa ko lang naman ay mas lalong bigyan ng buhay ang tunog na nililikha niya.

Katulad ng puso natin. Masyadong boring kung sariling puso lang natin ang naririnig natin. Mas maganda sa pandinig kung sabay mong naririnig ang tibok ng puso mo't tibok ng puso ng taong minamahal mo.

I always believe na sabay ang pagtibok ng puso ng dalawang tao na nagmamahalan. And I still believe in it.

"Paano mo 'yun nagawa? Sigurado ka bang kanina mo lang narinig 'yung tugtog ko? Pero sure ako na kanina lang kasi kakagawa ko pa lang nito noong nakaraang araw."

Cecilion's Arrow (Book 1)Where stories live. Discover now