Theatrical Life

88 33 5
                                    

Noong una pa lamang makita ni Cupid si Psyche ay agad itong nahulog sa dalaga

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Noong una pa lamang makita ni Cupid si Psyche ay agad itong nahulog sa dalaga.

Walang nagtatangkang manligaw kay Psyche kaya't nabahala ang ama nito. Sa pagkabahala ng ama ni Psyche ay dumalangin ito kay Apollo, "Apollo, god of prophecy!"

"Bring her at the top of the hill. Leave her and she will find not a man but a serpent," sagot ni Apollo sa ama ni Psyche. Masakit man ito para sa kaniya ay sinunod niya pa din ang payo ng diyos ng propesiya.

Hinatid nilang pamilya si Psyche sa tuktok ng bundok. Matapos ang malayo at nakakapagod na paglalakbay ay nakarating sila sa isang malaking puno. Doon sila nagpaalam sa isa't isa at tuluyan nang iniwan si Psyche.

Pagsapit ng gabi ay nakarinig ng kakaibang ingay si Psyche. Sa takot ay nawalan siya ng malay. Pagkagising niya kinabukasan ay nasa labas na siya ng isang napakagandang palasyo. Lubhang malaki ito at kumikinang ang haligi ng palasyo. Sinalubong siya ng mga katulong doon at siya'y binati. Pinakain siya ng mga ito ng masasarap na pagkain.

"Nasaan ang aking asawa?" tanong ni Psyche sa kanila nang maalala niya na hindi niya pa ito nakikita. Hindi siya sinagot ng mga ito subali'y nakarinig siya ng isang tinig at nagsabing siya ang kaniyang asawa.

Pagkatapos ng ilang buwan ay dinalaw siya ng kaniyang mga kapatid sa puno kung saan sila namaalam sa isa't isa. Nag-iyakan ang kaniyang mga kapatid sa pag-aakalang patay na ang kanilang nakababatang kapatid. Nakita ito ni Psyche at lubhang nahabag sa kalagayan ng kaniyang mga kapatid. Nagpaalam siya sa kaniyang asawa kung maaari niyang patuluyin ang kaniyang mga kapatid sa palasyo. Mariin ang naging pagtutol at pagtanggi nito.

"H-how can I leave my sisters like that? Weeping like I'm dead when I am not!" Sa huli'y pumayag na din ang kaniyang asawa ngunit mahigpit na paalala nito.

"Don't let them know anything about me" at saka ito tuluyang umalis.

Pinatuloy ni Psyche ang kaniyang mga kapatid sa palasyo. Lubhang namangha ang mga ito dahil mas higit ang yaman na mayroon si Psyche kumpara sa kanila. Dito namuo ang matinding inggit sa kanilang puso.

Nagtanong sila tungkol sa kaniyang asawa. Sa kanilang pangungulit ay nabunyag ni Psyche na hindi pa niya nakikita ang itsura ng asawa at tanging boses lamang nito ang umuugnay sa kanila.

"Your husband is a serpent waiting to eat you! Finish him before he finished you." Babala nila bago tuluyang lumisan sa palasyo.

Kinagabihan, naghanda si Psyche ng lampara at kutsilyo. Dahan-dahan itong pumasok sa loob ng kwarto ng kaniyang asawa. Itinapat niya ang hawak niyang lampara rito. Bigla itong gumalaw kaya't nagulat siya at nabitawan ang lampara. Dahil dito'y natapunan ng mainit na langis ang kaniyang asawa. Nagising ito at nakita si Psyche na may hawak na patalim.

"You're untrustworthy!" galit na bigkas ng asawa kay Psyche.

Lubhang nagulat si Psyche sa kaniyang nakita dahil hindi isang ahas ang kaniyang asawa kundi isang makisig at matipunong lalaki—si Cupid, and diyos ng pag-ibig.

Cecilion's Arrow (Book 1)Where stories live. Discover now