Disappointment and A Failure

71 29 9
                                    

Third Person POV

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.

Third Person POV

Nagpalakpakan ang mga manunood nang matapos ang inihandang pagtatanghal nina KM at Dwayne. Tumayo sila at pinuntahan ang ilan sa kanilang mga bisita.

"How are you, Dwayne?" tanong ng isang may edad na babae at nakipagbeso-beso kay Dwayne. Nakasuot ito ng eleganteng pulang damit at ilang alahas.

"Mrs. Cuevas! It's been so long!" masayang bati ni Dwayne rito.

"Mas lalo kang naging bihasa sa pagtugtog, Dwayne. Lalo ka ding naging matipuno. Manang-mana sa tatay," puri ni Mrs. Cuevas. Tinignan nito si KM at nginitian, "And you are?"

"I'm KM, nice meeting you po," bati ni KM at nakipagkamay dito.

Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Mrs. Cuevas nang mahawakan nito ang kamay ni KM. Mayroong halong pagtataka at pangamba ang kaniyang ekspresyon na agad din naman niyang binawi. "Nice meeting you din iha," tugon ng babae suot ang kaniyang ngiting nagpapabata sa kaniyang itsura.

"I see that you two are a great match. Those pieces you played are hard to execute in 4-hands-piano. Did you arrange it by yourselves?" tanong ni Mrs. Cuevas.

"Yes, it took us two weeks para ma-rearrange ang music sheets," sagot naman ni Dwayne.

Nagpatuloy lang ang kanilang pag-uusap. Kinausap din nila ang ibang guest na nanggaling pa sa ibang bansa upang mapanood sila. Mostly sa kanila ay kakilala ni Dwayne na nakilala niya sa England. Ang mga magulang ni Dwayne ay kasalukuyang nasa England. Umuwi lamang siya sa Pinas upang makipag-negotiate sa mga companies na hawak ng tatay niya. Nakilala niya si KM nang mag-perform ito sa isang piano competition na sponsor niya. Nakita niya ang galing at kakayahan nito kaya't ginawa niyang apprentice ang dalaga. Ginawa nila ang performance na ito especially to showcase KM's talent. Nag-invite siya ng ilang friends abroad upang maipakita ang talento ni KM at upang lumawak ang koneksyon nito sa industriya ng musika.

Matapos ang ilang pag-greet at pag-welcome sa mga guest ay pinuntahan na nila sila Samael na nasa counter upang magpasalamat.

"Thank you for lending us this magnificent venue," pasalamat ni Dwayne kay Samael at nakipagkamay dito.

"My pleasure," tugon ni Samael.

Lumapit na rin sila Felix sa kanila at niyaya silang mag-celebrate sa isang bar.

"Nice one KM! We're so proud of you," masayang bati ni Valerie.

"Tara na inom-party na!" yaya ni Jethro.

"Saan?" tanong ni Julius.

"Somewhere? Basta 'wag lang dito sa Laviz kasi sawa na 'ko sa pagmumukha ni Sam at masyado na siyang kumikita dahil sa atin," singit ni Felix na may pairap-irap effect pa.

Sa huli'y napagdesisyunan nilang mag-rent nang kainan sa labas. Isa itong kainan na may KTV, kung saan pupwede silang kumanta habang kumakain. Napuno ng masasarap na pagkain ang kanilang lamesa.

Cecilion's Arrow (Book 1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz