The Beginning

81 32 10
                                    

Felix Eros Miseo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Felix Eros Miseo

Kasalukuyan akong nagda-drive papunta sa Laviz. Gusto kong uminom dahil badtrip ako ngayong araw. Dapat pala hindi na 'ko umalis kanina sa theatre play ni Julius. Tss, ano ba naman kasing klaseng palabas 'yun? Puro kalokohan. Nakakabadtrip! Feeling ko makakailang dosenang Red Horse ako ngayon.

High class na bar ang Laviz pero pinasadya ko kay Samael na mag-stock ng Red Horse dahil 'yun ang pinakapaborito kong alak dito sa Earth.

Nang makarating na ako sa Laviz ay kinuha na ng valet ang kotse ko upang i-park. Siguro'y nagtataka kayo kung bakit ako may kotse. Simple lang. Kay Val 'to—ginamit ko after kong mag-walkout sa basurang palabas kanina. Bale nag-carout ako dahil hindi naman ako nag-walk.

Pagkapasok ko ng Laviz ay nagtaka ako sa dami ng tao. At mukhang hindi mga party goers ang nandito. Pinagmasdan ko ang paligid—mostly middle aged men and women, wearing long dresses and suits. I saw Samael near the counter. May kausap siyang lalaki. Gwapo pero I don't care mas lamang pa din naman ako ng isang libong ligo.

Lumapit ako sa kanila. At hindi man lang nila ako pinansin. Oh really? Who's this guy anyway? Bakit parang unang kita ko pa lang sa kaniya naiirita na agad ako?

Umismid ako upang ipaalam ang presensya ko. Napatingin sa akin si Samael at nginitian lang ako. At bumalik na muli sila sa kanilang pag-uusap.

"Mind talking to me?" inis na sambit ko kay Samael.

"Why? Do you need anything?" makahulugang ngiting tanong sa akin ni Samael. That smile—that fucking smile. I fucking hate it. Ngiting may ibang ibig sabihin. Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay upang ipahiwatig sa kaniya ang aking pagtataka.

He chuckled.

"Hmm, by the way, Dwayne meet Felix. Felix meets Dwayne, KM's co-pianist," he said with a meaningful smile. The man named Dwayne extended his arms to handshake with me. I gladly accept it with a smile.

"Thank you, Dwayne, for your time. If you need any of my help you are welcome to Laviz," Samael stated. Umalis na si Dwayne at kinausap ang iba pang mga guest.

"So what's with that?" kunot-noong tanong ko.

"With what?" tugon niya na tila ba walang alam sa nangyayari.

"With you—with everything. Saka bakit ang daming tao ngayon? Ano bang meron?" tanong kong muli.

"Hindi mo alam?" takang tanong niya. Tinignan ko lang siya ng tatanungin-ko-ba-kung-alam-ko look.

"Tutugtog si KM ngayon. Hindi niya ba sinabi sayo? Oh, I thought you are friends?" inis pa niya. Hindi ko na lang siya pinansin at pumunta sa counter upang humingi ng Red Horse.

Tumabi siya sa akin at umorder ng paborito niyang alak. "Pero hindi nga? Hindi niya sinabi sayo? Big event 'to para sa kaniya kaya for sure sasabihin niya 'yon sa mga kaibigan niya," tanong niyang muli.

Cecilion's Arrow (Book 1)Where stories live. Discover now