PROLOGUE

128 3 3
                                    

Pano nga ba natin madidigtahan ang puso ng tao?.

Pano ba natin makukuntrol ang oras at panahon, kung ito na mismo ang humahadlang sa inyong dalawa?

May matatawag pa nga bang happy ending kung ang kwento niyong dalawa ay hindi pa nga nagsisimula ngunit itinakda na ang katapusan?

May mang-iiwan

May mawawala

Ngunit sa puntong yun ay wala ng lingunan at balikan pa.

Sa oras na bumitaw ang isa, magiging malabo na ang larawan ng katapusan nila.

Halika, sabayan mo akong tunghayan ang kwento ng buhay ng dalawang magkaibigan, na pinagtagpo sa tamang oras at panahon, pero hindi sa tamang pagkakataon.

Nakatakdang pagtagpuin ngunit hindi para maging panghabang-buhay nilang pareho. Hindi para sa hangang dulo...

TREE OF INFINITYWhere stories live. Discover now