Prologue

5.1K 98 10
                                    


May 15, 2010

Elite Sorority Announcement:

If you're 14 to 18 years old, you're qualified to enter this Sorority.

PLEASE READ !

Only a few women can enter this sorority. It's an exclusive and private club. Once you're In, you can be connected to other international members of the sorority. You can also study in top universities all over the world and get a scholarship, with the help of club sponsors.

Do you want to be one of us? You must have all of this.

*You must be highly intelligent.
*You need to pass the sorority entrance examination.
*You must have the will to learn and experience new things.
*You must be part of an elite family.
*You need to have an average of 92 to 100 in your academic grade.
*You need to be adaptable.

This club are built to raise a group of girls who is not just talented but smart at the same time. And to become a woman who can excel In the field that they chose. And most importantly be someone who knows how to treat everybody equally despite social status. Anyone who will break the rule will be eliminated into the group.

Founder, Lady K


HABANG binabasa ni Bridgette ang mga patakaran para makapasok sa Elite Sorority ay bigla siyang kinabahan. Kailangan niyang maging bahagi ng samahan, dahil ito lang ang nakikita niyang paraan sa pangarap niya na makapag-aral sa ibang bansa. Hindi niya kailangan ang tulong ng kanyang nga magulang, papatunayan niyang mayroon siyang kakayahang makuha ang gusto niya na hindi ginagamit ang estado niya sa buhay.

Lumingon siya sa paligid para malaman kung sino ang magiging karibal niya. Mukhang lahat sila ay matatalino at may kakayahan na makapasok. Ngunit lima lang ang papalarin maging parte ng Elite Sorority. Mahigpit At mahirap makapasok dito. International ang samahan at tuwing sampung taon lang sila nag re-recruit ng mga bagong miyembro. Kaya tagalang pili At mahuhusay lang ang nakakasama sa Sorority na ito.

Paalis na sana siya nang makita niya si Harriet. Ito ang nag-iisang tagapagmana ng pinakamalaking Hotel chain sa bansa. Naglakad ito papalapit sa kanya. Nakataas ang kilay nito.

"Hi, Bridgette are joining this sorority?" seryosong tanong nito.

"Yeah, of course. Are you joining too?" sagot niya na walang emosyon.

"Yes! And I'm going to make sure that I will get the highest rank," mayabang na pagkasabi nito.

Magka-klase sila sa junior high school, at madalas rin silang magkalaban sa pagiging top one. Pero kahit minsan ay hindi siya natalo nito.

Halos apat na linggo nag-review si Bridgette para sa E.S entrance exam. Ang makakapasok sa top 30 ay mag-sasama sa isang section. At ang hihirangin na top five ay pasok na sa top student at kasama na rin sila sa student council.

Maaga siyang gumising para kumain ng almusal. At para na rin makapaghanda ng gagamitin niya para sa exam. Hindi niya pinaalam sa mga magulang niya ang balak na pagsali sa Sorority, dahil paniguradong pipigilan siya ng mga ito kaya mas minabuti niyang ilihim iyon sa kanila.

Pagdating ni Bridgette sa school ay pumasok na siya kaagad sa kwarto kung saan sila kukuha ng exam. Maaga siya ng trenta minutos sa nakatakadang oras. Unti-unting nagsidatingan ang mga estudyante. Pagkatapos ng Ilang minuto ay dumating na rin ang assigned proctor sa exam.

Elite Sorority Series 1: Sassy Prosecutor Where stories live. Discover now