Chapter 26

912 31 2
                                    

Seoul, South Korea

           DALAWANG linggo na ang nakakalipas simula ng maghiwalay sila Bridgette at nobyo nito. Biglang nagyaya ang kaibigan niya na si Nari na magbakasyon silang lima sa Korea ay hindi na siya tumangi. Ang private plane ng kaibigan niya ang sinakyan nila, bukod sa shipping lines pagmamay-ari rin ng pamilya nito ang isa airline sa bansa. Pero ang pinaka dahilan kung bakit siya sumama ay para makalimot sa sakit ng pakikipaghiwalay ni Kier sa kanya.

Her friends never leave her side and they become always available just for her. "Who wants wine?" biglaang tanong ni Nari. Umiling-iling siya.

"I don't think, kaya ko pang uminom. Napurga na ata ako sa alak," si Harriet naman ang nagsalita.

"Wine is good for the heart thou," komento ni Allanna habang nagbabasa ng libro sa upuan nito.

"Oh, lanna. Ito ang alak sirain mo yang atay mo," sakrastikong tugon ni Keira at ipinatong nito ang baso sa lamesa ni Allanna.

"Salamat, Urquijo." pag-aasar nito.

"Ano sabi mo?" seryosong tanong ni Keira.

Tumayo na si Allanna sa kinauupuan nito at inilapag ang hawak na libro. "Sabi ko, Miss Urquijo." natatawang sagot ulit nito.

Alam niyang nagbibiruan lang ang mga ito pero seryoso ang mukha ni Kiera nang lumapit ito kay Allanna at kiniliti ito sa tagiliran. Lumapit ang huling kaibigan kay Nari at nagtago sa likuran ng upuan nito.

"Unnie help me," paki-usap nito.

"No, Kiera go," sabi ni Nari at tinulungan pa nito si Kiera at pinagkaisan nila ang kaibigan. Nang matapos na silang parusan ang kaibigan ay bumalik na si Allanna sa upuan nito.

"Masaya ka bang pinagkakaisahan nila ako? Hindi ko na kayo tutulungan kahit kailan," Baling nito sa kanya habang nagtatampo.

"Come here, let me hug you," Utos niya sa kaibigan kahit nagkakunot ang noo nito ay lumapit pa rin sa kanya at niyakap siya. Pero ang totoo siya ang may kailangan ng yakap. Lately she discover something to herself she doesn't know she can be emotional. Kunting bagay lang na nakakapag-alala sa kanya kay Kier ay naiiyak na siya.

"Brigde,"

"Yes?" matipid na sagot niya habang nakayakap pa rin si Allanna sa kanya.

"I am your favourite member of Elite Sorority right?" tanong nito. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang umiyak siguro dahil hindi pa rin siya nakakarecover sa ginawa ni Kier.

"Oh my gosh, Lanna what did you do? Bridgette is crying," tanong ni tatlo pa nilang kaibigan.

Bumitaw ito sa pagkakayakap si Allanna sa kanya. "Hala? Are you okay? You don't need to answer my question." Halata sa boses nito ang pag-aalala.

"I hate myself for crying for two consecutive weeks, and I hate this situation," Pag-amin niya sa mga ito.

"It's okay Bridgette, time will help you to heal. For now, let your tears shed until nothing will left." si Keira naman ang nagsalita at lumapit na ang tatlo sa kanila para yakapin siya.

Kung wala ang mga ito sa tabi niya siguradong hindi niya kakayanin ang sakit, kung sana alam niya ang pakiramdam ng masaktan sa pag-ibig noon pa lang hindi ganito kalaki ang epekto nito sa kanya baka nakapaghanda niya pa.

Elite Sorority Series 1: Sassy Prosecutor Where stories live. Discover now