Chapter 4

1.7K 43 0
                                    

   PAGDATING ng bahay agad inihiga ni Bridgette ang katawan sa sofa. Masyadong maraming nangyari ngayon araw ang masama pa roon makakasama niya ang antipatikong lalaki na iyon!  Kanina parang itong isang tuta na sunod-sunuran sa amo.

Samantalang noong umaga lang napakayabang nito, kunwari mabait kapag kaharap ang mga head ng department nila. Siguradong hindi magiging maganda ang trabaho niya kapag kasama niya ito. Pero kung para naman sa trabaho magiging propesyonal siya ay susubukan na makisama sa lalaki.

    Pagkatapos kumain lumabas siya ng bahay At umupo sa veranda para manigarilyo. Hindi talaga siya regular smoker pero kapag stress siya at hindi makatulog gumagamit siya ng isang o dalawa stick. Isang beses o dalawang lang niya nagagawa iyon sa isang buwan. Ayaw niya ring maging bisyo ito.

Biglang tumunog ang cellphone niya kaya kinuha niya iyon. Laking gulat niya nang mabasa ang mensahe ng lalaking iyon!

Good Evening Ms. Amasona I'm your falsely cab driver. Kindly save my phone number. And don't worry I didn't give your number to my co-workers.

That guy is really pissing her off. Hindi niya pa rin ito napapatawad sa pagdala ng lalaking sa kanya sa bahay nito. Naiinis siya kaya tinawagan niya ito Ilang ring pa lang ay sumagot na ang lalaki. "Hey I said, message me if you have questions. I don't need pen-pal!" inis niyang sabi sa lalaki.

"Oh, I didn't know that you will going to call me because of that. Oh don't tell me you already miss me? Don't worry honey. From tomorrow morning you will going to see my handsome face."

"Who said I miss you! Don't you dare call me hon-," Naputol ang sasabihin niya dahil binababa na nito ang tawag.

"Oh! That jerk! Ang bastos niya talaga, nakakainis!" sigaw niya. Hindi siya mabilis mainis sa mga nakakatrabaho niya. Pero pagdating sa lalaki na iyon parang puputi ata ang buhok niya.

Kinabukasan maaga siyang nagising para puntahan ang agency dahil may meeting siya at para makuha ang hard copy ng files ng kaso. Nasa parking area na siya at halos limang minuto ng paikot-ikot dahil walang bakante puwesto. Napansin niya ang pulang SUV na papaalis na kaya hinintay niya ito. Umatras siya para I-park ang sasakyan niya nang bigla maunahan siya ng Mazda na kulay Gray.

"What the hell!" inis na bulong niya. Bumusina siya ng Ilang beses nakita niyang bumababa ang driver ng sasakyan. Galit siyang lumabas ng kotse niya para komprontahin ito.

"Hey? As you can see I'm the one who got this area first!" Lumingon sa kanya ang driver, at sa hindi inaasahang pagkakataon. Si Kier Osma na naman!

"Oh! Good morning Amasona girl. Ang aga-aga naiinis ka naman?" masayang bati nito sa kanya.

"Walang maganda sa umaga kung Ikaw ang makikita ko! Ako ang nauna dyan. Nakita mo naman na nakasignal na ako? Tapos bigla kang sisingit!" Hindi na niya kontrol ang galit.

"Take it easy, kaya nga parking area ito? Unahan sa pag-park! Hindi ko na kasalanan kung mabagal kang mag-park ng kotse."

Palakad na ito papalayo sa kanya, pero hindi niya napigilan ang sarili kaya sinipa niya ito. She learn martial arts for self-defense not to harass people but with this man she wanted to use her knowledge just to kill him.

Nagulat siya nang masalo nito ang sipa niya at bitawan ito pagkatapos. Dahilan para mawalan siyang ng balanse. Inaasahan na niya ang matigas na sahid ang sasapo sa kanya pero nagkamali siya. Dahil ang katawan ni Kier ang nasa ibaba at habang siya naman ang nasa itaas nito.

Pero ang mas kinagulat niya, ang paglapat ng kanilang mga labi. Napahawak din siya sa katawan nito. Ilang sigundong naging ganun ang posisyon nilang dalawa.

Elite Sorority Series 1: Sassy Prosecutor Место, где живут истории. Откройте их для себя