Bridgette's Night drunk confession

1.2K 29 0
                                    

         MAHINANG umiyak si Bridgette sa harap ng mga kaibigan. "Bakit... ang sakit kaya ayokong makipagrelasyon eh, dahil ayokong maramdaman yung ganito..."

Halos ubos na ang iniinom nilang alak pero gusto niya paring magpakalasing sa harap nila. "So? Ngayon alam muna? Dati naiinis kapa kapag merong nagpapakalasin na mga babae, tuwing FNDC tignan mo ngayon ikaw yung nasa position nila," direstsong sambat ni Allanna.

"Hoy Lanna... grabe ang harsh mo kay Bridgette. Wala naman kasi siyang kasalanan hindi naman siya yung nakipag-hiwalay." pagsaway naman ni Keira.

Pinagmasdan niya lang ang kaibigan. "Well... Lanna is right. I hate seeing our friends in that stage. Sumumpa pa ako ng hindi makikipagrelasyon... tingin niyo na karma ako sa pinag-gagawa ko dati?"

"Tingin ko masyadong ka naging kampante, ikaw naman kasi alam mo naman pulis yun, sabi nga nila kapag pulis? Matulis..." si Nari ulit.

"Siguro kung nagkaroon ako ng ka-relasyon dati hindi sobrang ganito ang sakit...?" tanong ni Bridgette sa mga kaibigan.

"Masa-saktan ka pa rin kahit ito yung una, pangalawa o kahit ilan pa. You still get hurt because you gave your heart and time..."

Bakit ba mas maayos kausap ang mga kaibigan niya kapag lasing sila, mas nakakapagbigay ang mga ito ng may kabuluhang sagot. "Yun nga eh, I invest too much but it was a waste now..." Ininom niya ang huling baso ng alak.

"It's better to love someone and get hurt than being numb and insensitive. Mas okay nga ang attitude mo nung nagka-boyfriend kesa noon. Parang bitter ka sa mundo... pero mas magiging bitter ka sa buhay ulit," si Keira ulit ang sumagot. Namumula na ang pisngi nito dahil sa kalasingan.

"Are you saying that I'm insensitive and numb? Huh, Keira?" sabi niya habang nakaturo ang isang daliri rito.

"Oo dati, ang gusto mo lang ang malampasan ang ranking ko. Pero ngayon naman nag-improve kana... kaya may maganda rin naman palang dulot sayo ang pakikipagrelasyon." komento ni Allanna.

Umirap lang siya sa kaibigan. "Oo na, I admit it i use to compete with you and I guess most of us does."

"Kayo lang, kasi una pa lang alam kong hindi ko kailangan makipagkompetensya kay Lanna, siya pa nga ang gusto maging rank number five noon." Nagtawanan silang lahat sa sinabi ni Nari.

"But bridge ano bang nagustuhan mo kay Kier? I'm just curious?" si Harriet ulit. Bigla siyang natahimik ano nga ba ang nagustuhan niya kay Kier?

"He is sometimes funny, and a little romantic. Kier can show my sweet side, but aside from that I love his persistence and his dedication to his job."

At muli siyang umiyak dahil naalala naman niya ang lalaki. "This is the second time that we saw you like this, the first was when we caught your father and his mistress," mahinang sambit ni Allanna.

Napahawak siya sa kanyang mukha at humahulgol na naman siya ng iyak. Bridgette tired everything even she is newbie from being in relationships.

"It... just too painful because all of you know that I'm not into relationship I rarely involve myself to-anyone. I just really love Kier to much." Nakakagat labing pag-amin niya.

"Hey at least you find out that you're able to love someone. Na... na hindi pala bato yang puso mo Prosecutor Silva," pang-aasar naman ni Nari.

Ngunit napatigil siya sa pag-iyak nang biglang hablutin nito ang Cellphone niya.

"Hey... give me that!" Bigil niya rito.

Tumayo ito at tumakbo papalayo sa kanila. "No... no... for drunk texting girl! Baka bigla mo pa siyang tawagan at makipag-balikan sa kanya."

Pasuray-suray siyang naglakad papalapit sa kaibigan para lang makuha ang phone niya. Nakita mas lalo siyang na inis nang pinipindot na nito ang screen ng cellphone niya

"Ohh... he is your wallpaper! Naku let's remove it, Lanna alam mo ba paano mag-hack ng phone? Gusto kong tignan yung photos ni Bridgette kasama yung ex niya,"

"Bakit kailangan mong e-hack ang cellphone niya kung pwede mong gawin ito?" Lumapit ito sa kanya at kinuha ang kamay para inilagay sa screen ng cellphone niya.

Wala nang nagawa si Bridgette sa mga kalokohan ng kaibigan niya! Parang mga bata itong tabi-tabi sa upuan at sinisilip ang pag-aari niya. "I can file a case against all of you! Binuksan niyo ang gamit ko ng walang consent!"

"Oh no... Bridgette may rated eighteen kayong picture together?" Pagbibiro ni Nari.

"Anong rated eighteen pinagsasabi mo?" Lumapit siya ulit para agawin ang hawak nito pero mabilis itong nakalayo.

Iniwagayway pa nito ang sa ere ang hawak na cellphone. "Oh wait! I know why he broke up with you! Nagpunta ata kayong baguio? Sabi pa naman naghihiwalay ang mga mag-jowang nagpupunta doon,"

"That's a myth only. It's shawarma boy's decision to broke up with Bridgette it's nothing to do in going to Baguio," tutol ni Allanna kay Nari.

"Kung sa... bagay may punto si Doc kane. Baka kasi naging boring ka... minsan kasi kailangan mong siyang landiin," hirit pa nito.

Nang tumigil na ang dalawa ay tumabi na siya sa mga ito. "I've admit that, there are some moments that I'm stopping myself every time I get closer to him. Kasi alam ko na kapag hindi ko napigilan wala ng matitira sa'kin."

"You know what girl it's okay... but you need to be flirty sometimes," sabi ni Allanna habang kagat-kagat ang plastic na basong iniinuman nito.

"Oo nga, gusto mo ba maghanap na tayo agad ng kapalit ni Kier? I know some hotty guy's who looks like Kier but more handsome than him."

Napasandig siya sa ding-ding at tumingin sa itaas ng kisame. "I wish I can easily find someone and replace him, but Kier is the only guy I wanted to took a risk with. And even we're not gonna end up together I still going to love him."

Elite Sorority Series 1: Sassy Prosecutor Where stories live. Discover now