Chapter 5

1.5K 46 0
                                    

    INIS na tinipo ni Kier ang keyboard niya, kahit na ayaw niyang makasama sa trabaho ang Prosecutor na iyon ay wala siyang magagawa dahil utos iyon ng nasa Itaas. Malakas ang kapit ng babae sa head ng agency niya, napahinto siya sa kanyang ginagawa nang maalala niya ang nangyari sa kanila sa parking area kaninang Umaga.

Hindi niya inaasahan na mahahalikan niya ito, pero aaminin niya nakaramdam siya ng kaba habang nasa itaas niya ito. Hindi naman na normal sa kanya ang makahalik ng babae, pero may kakaibang ipekto ang mga halik na iyon. Maganda naman talaga at sexy pa ito at halos lahat ng mga kasamahan niya sa opisina interesado sa dalaga.

Kinabukasan maagang umalis ng bahay si Kier para puntahan ang lugar kung saan sila magtra-training ni Bridgette. Kailangan niya munang turuan ito ng hand to hand combat dapat kaya nitong protektahan ang sarili kapag silang dalawa na lang ng Kriminal ang magkasama. Tinawagan niya ito kagabi kung saang lugar sila magtra-training.

Pagkatapos ng Ilang oras na paghinintay nakita niyang papaakyat na ito ng gym. Napahinto siya sa kanyang ginagawa dahil hindi katulad ng mga suot nito sa opisina ay napakaswal ang pananamit nito ngayon. Nakasuot ito ng running shorts na kulay itim habang ang itaas na damit nito ay track jacket na kulay asul nakabukas ang zipper ng bahagya kaya tanaw ang sports bra nito sa loob.

Pero ang nakakuha ng atensyon niya ang magandang katawan nito na halatang batak iyon sa paghehersisiyo. Nakatanga lang siya sa dalaga habang papalapit ito sa kanyang ng bigla siyang matauhan.

"Titignan mo na lang ba ako buong maghapon? Isarado mo yang bibig mo baka kasi tumulo yun laway mo sayang naman." prangkang sambit nito. Kanina pa ba ako nakatulala sa kanya?

"You're late! I been waiting here for 3 hours now!" pag-iiba niya ng usapan.

"I'm not late you're just too early, and besides our meet up is Eight and half in the morning. See, I'm still Ten minutes early!" sabi nito habang ipinapakita ang suot na relo.

"Magbihis ka muna, bago tayo magsimula."

"No need, I'm going to wear this." Hinubad nito ang suot na jacket at tumambad sa kanya ang kabuuang katawan nito.

Her shoulder is a little broad but her collarbone is sexy, while her hips is proportional. Magbihis ka! wag mo akong pahirapan!

"Hindi bagay ang damit mo sa gagawin natin, puntahan mo yung manager sa reception area bibigyan ka nila ng uniform."

"Fine, If that's what you want!" galit itong iniwan siya, hindi niya makakaya kung mananatiling ganoon ang suot nito. Napansin siyang nagtingin ang mga kalalakihan kay Bridgette pagkadaan nito.

Bumalik itong suot ang puting uniporme, at nakatali na ang kaninang nakalugay nitong mga buhok. "Is this fine now? let's start because I have some important things to do later."

"Do you know Jiu-Jitsu? I'm going to teach you that first." Tumango lang ito sa kanya.

Pagkatapos niyang Ipaliwanag dito ang mga hakbang kung paano gagawin ang martial arts na itinuro sa dalaga ay ito naman ang mapapakita nito sa kanya. At walang siyang choice kung hindi pumayag na gawing siyang ka sparring nito.

"Alam kong may galit ka sa akin, pero gusto ko lang sabihin sa iyo na practice lang ito." Inunahan niya na ito dahil kanina pa ito galit na galit sa kanya. Baka maibuhos pa nito ang galit sa kanya at mapatay pa siya ng dalaga.

Elite Sorority Series 1: Sassy Prosecutor Where stories live. Discover now