Chapter 3

1.9K 56 10
                                    

     KUNG hindi dahil sa Amasona  babaeng iyon kanina pa sana nakarating ng Opisina si Kier. Nagdaang gabi ay meron siya minamanman na lalaki. Kaya pinarada niya ang sasakyan sa tapat ng E.S Hub para masubaybayan ang prospect nila. Pero napornada ang plano niya.

Dahil merong isang babae ang bigla na lang sumakay sa sasakyan niya. Naiinis siya dahil mukhang pinagkamalan pa siya nito na isang driver ng mobile app. inabot pa nito ang cellphone para ipakita sa kanya na siya daw ang driver. Nang tignan niya ay nakatulog na ito sa loob ng kotse.

Wala nagawa si Keir kaya dinala niya ito sa kanyang bahay. Nainis siya dahil muntik pa nitong mabali ang buto niya! Gustong-gusto niyang magalit ngunit, nang makita niya ang kabuuang mukha nito ay napawi lahat ng iyon.

Her beauty is outstanding, from her thick eyelashes down to her rosy cheeks and pointed nose. She look familiar maybe a   model or a celebrity. Ngunit nawala rin ang pagnanasa niya nang sikmuraan siya nito. Siya na nga ang tumulong siya pa ang nasaktan! Kung hindi lang ito babae, siguradong nakatikim na ito sa kanya.

"Goodmorning Detective." bati ng mga kasamahan niya sa trabaho.

Agad siya pumunta sa cubicle para simulan ang trabaho. Napahinto siya sa kanyang ginagawa dahil nakita niya lumabas sa opisina ang head ng department niya at mukhang siya ang kailangan nito.

"Anong nangyari sa trabaho mo kagabi? Bakit hindi ka makontak ng mga kasamahan mo?" galit na tanong nito.

"Ah, ano kasi Sir, may importante akong ginawa kagabi. Pero don't worry I got you some information." pag-iiba niya sa usapan.

"Okay, I will read this file. Make sure it's helpful, kailangan na natin maipakulong ang lalaking iyon bago pa siya makahanap ng bagong biktima. Anyway coordinate with Prosecutor Silva para sa kaso ng serial kill, siya ang magiging Prosecutor natin."

"Okay sir I will contact that prosecutor."

Bigla siyang nakaradaman ng kuryusidad kung sino ang prosecutor na iyon? Halos lahat ng kinukuha na abogado ng agency nila ay magagaling At tagalang bihasa sa kaso.

Tanghali na ngunit nakatuon pa rin ang atensyon ni Kier sa monitor ng computer. Nagulat siya nang may tumapik sa kanyang braso. "Gulat na gulat ah? ka-kape mo yan pare," sabi ni Daniel isa sa mga ka-trabaho niya.

"May tanong ako? Sino yung prosecutor na hahawak sa serial killer na case? Silva yung pangalan eh. May alam ka ba sa kanya?" tanong niya kaibigan.

"Oh, Si Bridgette Silva? Isa siya sa pinakamagaling na prosecutor ngayon. She win most of the case she handled. Pero syempre hindi na kataka-taka iyon dahil member siya ng Elite Sorority. Private organization para sa mga mayayaman," paliwanag nito.

"Mukha na CI mo na siya. Oh? Sadyang stalker ka lang ng Elite Sorority?" balik na tanong niya.

"Palibhasa kasi sa ibang bansa ka nag-aral kaya wala kang alam. Kilala yung school nila sa Philippines pero masyadong private din ang school nila."

"Syempre! Mayayaman ang mga nag-aaral doon kaya dapat talaga protektahan ang privacy ng mga estuyante nila."

"Tara kumain na lang tayo! nagugutom na ako." Pag-aya nito.

Pagkatapos nilang kumain ng lunch ay bumalik na sila agad. Ngunit napansin niyang nakasilip ang mga katrabaho niyang mga lalaki sa meeting room.

"Hoy! Anong meron? Bakit kayo nakikisilip dyan?"

Nanglaki ang mga mata ng isa ka mga kasamahan niya nang lumingon ito sa kanya. "Si Prosecutor Silva ang makakatrabaho natin! Crush na crush ko yun pare!" tila eksaheradong sagot nito.

Elite Sorority Series 1: Sassy Prosecutor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon