Chapter 35

1K 33 0
                                    

           ALAS diyes na at nasa opisina pa si Kier at abala sa bagong imbestigahan niya kanina pa siya hindi mapakali sa kanyang upuan. Wala siyang ideya kung bakit narinig niya ang boses ng mga katrabaho niya sa labas ng meeting room, kaya lumabas siya para silipin ang mga ito. Natulala siya nang makita ang mga kaibigan ni Bridgette na nakatayo sa labas ng kwarto.

"Palabas na po si Lieutenant kane," sabi ng isa sa mga kasamahan niya trabaho. Kita sa mga mata ng tatlo ang galit sa kanya. Siguradong alam ng mga ito ang ginawa niya kay Bridgette kaya ganoon na lang ang pakitungo sa kanya para siyang kakainin ng buhay.

"Allanna? I miss you? Bakit nandito ka? At kasama mo pa ang mga kaibigan mo?"bungad na bati ng head nila. Pamangkin nga pala nito ang isa sa kaibigan ni Bridgette.

"I need your help Uncle Greg,"

"Oo nga pala bakit kulang kayo? Asan si Prosecutor Silva?" nagtatakang tanong ulit ng head niya. Siguro ayaw pa rin siyang makita ni Bridgette kaya hindi ito sumama sa mga kaibigan niya.

"She is missing, that's why i went here to ask for your help," Nanatiling kalmado ang boses nito kahit bakas ang takot sa mata ng kaibigan ni Bridgette.

"What do you mean she is missing? Sino ba ang huli niyang kasama? Tinawagan niyo na ba ang pamilya niya?" Nanatili lang siya sa kinatatayuan at nakikinig sa mga ito.

"She is with Jared Depara when the incident happened. He is the who report to the police," sabi ng isa pang kasama nito.

"Uncle, Bridgette was kidnapped! We need to find her now!" Hindi niya alam kung ano ang gagawin kung sakaling na kidnap nga ang dati niyang nobya.

"We can't declare it unless we have a prove. Kailangan natin tanungin yung huling taong kasama niya. Para makapag file tayo ng kaso at maimbestigahan,"

"Really? She been missing for an hours now! Hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari sa kanya!"

"We need to talk to her family they should be the one who will file a case, we have protocol." Tama ang head nila hindi sila basta-basta makakagawa hanggang walang order ng nasa itaas.

"Let's go Allanna, wala tayong mapapala sa mga ito. We can ask someone else to help us!" pag-aaya ng isa pang kaibigan ni Bridgette.

"Ikaw wala ka bang gagawin para hanapin sila?" Hindi niya alam na nakalapit na pala si Allanna.

"Kailangan kong sumunod sa protocol," Nagulat siya nang bigla siya nitong hilahin sumigaw pa ang head nila ngunit hindi nito pinansin iyon. Dinala siya nito sa fire exit at agad sinuntok, muntik na siyang matumba sa ginawa nito mabuti na lamang at nakakapit siya sa hagdaan.

"Ano bang problema mo!" sigaw niya. Kaibigan nga ito ni Bridgette masyadong brutal.

"You're my problem! After what you done to her? Papabayaan mo na lang siya!"

"Kailangan natin maghintay ng ilang oras para malaman kung ano ba talagang nangyari sa kanya! Hindi ako pwede gumawa ng desisyon dahil walang utos sa'kin," Hawak niya pa rin ang labi na sinuntok nito.

"Ang dami mong dahilan! Kapag may nangyaring masama kay Bridgette at sa ba—" Hindi nito itinuloy ang huling sinabi nito pero pinigilan niya ito.

"Anong ibig mong sabihin? Anong pwedeng mangyari kay Bridgette at kanino?" Gusto niyang malaman kung anong ang sinasabi nito.

"You made her pregnant, and if there's anything bad happen to the both of them I swear I will do everything just to bring you down," Iniwan siya nitong na blanko ang isip hindi siya makapaniwala na buntis si Bridgette.

Magkakaanak kami ni Bridgette!

Hindi siya papayag na may mag-yayari masama sa mag-ina niya! Hahanap niya ang mga ito kahit saan. Agad niyang kinausap ang head nila at pinakiusapan ito na payagan siyang pumunta sa Police station kung nasaan si Jared. Kailangan niya ng malaman kung saan huling nakita si Bridgette.

Elite Sorority Series 1: Sassy Prosecutor Where stories live. Discover now