Chapter 29

954 35 0
                                    

        TAHIMIK na pinakikingan ni Kier ang mahinang pag-iyak ni Bridgette sa kanyang tabi. Napakabilis ng pangyayari nang nagdaang gabi hindi niya akalain na pupuntahan siya nito sa bahay para lang ipakita sa kanya ang mga ebidensya na hawak nito. She wanted to prove to him that she is innocent in his sister's death, he was so mad to her last night but what makes him mad is the idea that he sleep with her.

Nakakaramdam na siya ng konsensya, dapat maging masaya siya dahil tuluyan na niya itong masasaktan ngunit bakit hindi siya masaya sa resulta ng ginawa niya? Bridgette looks so pitiful last night but he ignores it, her kisses against him still showing off love for him.

Mayamaya gumalaw na ang kama at dahan-dahan ang pagsarado ng pinto, doon lang siya tumayo sa kama. Nakuha niya ang hustisya matagal niyang hinintay, wasak na rin ang pagkatao nito. wala ng dahilan para magkita sila ulit. Siguradong mabilis lang siyang makakalimutan nito pagkatapos ng ginawa niya kay Bridgette.

What I done is right, I finally got justice for Kelly.

Pilit na kinunumbinsi ni Kier na tama lang ang ginawa niya, ngunit may parte sa puso niya pinagsisihan ito. He took advantage of Bridgette last night, he used her weakness as a weapon and she actually give herself to him. Agad siyang nagpunta sa shower para maligo.

Pagkatapos maligo naglakad siya papuntang sala, magulo ito dahil naroon pa rin ang mga gamit na hinagis ni Bridgette. The aftermath of their fight last night remain and hunting him. Nakuha ng atensyon niya ang kahon na dala nito kagabi, agad niya iyong binuksa at inilabas ang laman.

Tumambad kay Kier ang mga litrato ng kapatid niya na si Kelly kasama ang isang matandang lalaki. Magkahawak kamay pa ang dalawa, tinitigan niyang mabuti ang lalaki dahil pamilyar ito sa kanya. Agad niyang kinuha ang laptop at hinanap ang pangalan nito. Dati itong Congressman at may asawa't anak na, habang tinitignan ang mga balita tungkol rito nakita niya ang pangalan ng kapatid niya naugnay sa lalaki.

Hindi siya makapaniwala sa mga rebelasyon na natuklasan niya ngayon. Kaya kinuha niya pa ang ilang gamit sa loob ng kahon. Merong isang Audio recording doon at agad naman niya itong pinakinggan.

     
      "When are you going to leave your wife! I can't be your mistress forever!" Boses iyon ni Kelly hindi siya pwedeng magkamali alam niya lahat ng detalye tungkol sa kanyang kapatid.

"Don't worry okay, iiwan ko na rin siya at magsasama na tayo," sabi naman ng lalaking kausap nito. Nabitawan niya ang ito sa pagkagulat. Hindi niya akalain magagawa ng katapid niya maging kabit at sumira ng pamilya.

Si Jared Deparo ang pinaghinalaan na gumahasa sa kapatid niya ay pamangkin pala ng ng lalaking nauugnay kay Kelly. Kaya pala pilit nitong itinatanggi ang lahat ng pagaakusa niya rito.


3 years ago

        Nang malaman ni Kier kung sino ang lalaking gumahasa sa kapatid niya agad niya itong hinahanap at natagpuan niya ito sa isang bar sa Makati. Galit na galit siyang kinumpronta ito, kinuha niya ang hawak na baso nito at inihagis iyon sa sahig. "You asshole you kill my sister," Galit na sigaw niya sabay suntok sa lalaki.

Pero nanatili lang itong nakatayo at binaliwa ang suntok niya. Nakangisi pa ito tumingin sa kanya. "I never killed your sister! She did that to escape from the scandal she did to me!" Matapang na balik nito. Mas lalo siyang ginanahan na bugbugin ito hinampas niya ang bote ng alak sa ulo nito agad naman itong nawalan ng balanse.

Gusto niya itong patayin sa mga ginawa nito sa kapatid niya. "Akala mo ba ikaw lang ang nawalaan? I love your sister so much, but she accused me that I'm her rapist when in fact she let herself fuck by an old man!" Pagkasabi nito ay tuluyan niya na itong pinagsusuntok hanggang sa tuluyan na itong nawalaan ng malay.

Kung ganoon totoo nga ang sinasabi ni Jared at Bridgette na mayroong ibang tao sa pagkakamatay ng kapatid niya. Ngunit bakit hindi niya ito nalaman agad? He let his anger overpower and used him to take revenge with people who wasn't involve in his sister's death.

Nakita niya ang isang pang maliit na kahon at binuksan niya ang sulat galing kay Jared para sa kapatid niya.

Dear Kelly.

I saw you passing by in my uncle's Birthday party and in that moment you caught me off guard. You don't know me and I know it's a kind of scary but I'm not stalker or some sort of a bad guy, it just happened that I fall for you at the first time I laid my eyes on you. I'm sincere about my feelings to you please give me a chance to prove myself.

Your,
Jared Velasco


       Napapikit na lang siya sa galit at pagkamuhi sa sarili, madami pang sulat si Jared sa kanyang kapatid na nagpapatunay ng pagmamahal nito. Ngunit hindi na niya binasa dahil mas lalo lang siya naiinis sa mga maling ginawa niya kila Jared at Bridgette.

Meron isang video type doon at agad niya itong pinanuod sa kanyang laptop. Nahabang ninanuod iyon halos matumba siya sa kanyang kinauupuan ito ang mas nakakagimbal sa lahat ng nalaman niya ngayon.

"I'm pregnant! Hinawalayan muna ang asawa mo," Utos ng kapatid niya sa lalaking kasama nito sa video.

"Ipalaglag mo yang dinadala mo, ayokong masira ang pangalan ko sa publiko. Alam mo naman na tatakbo akong senator sa susunod na eleksyon." Sagot naman ng Congressman kay kelly.

Nagtatalo ang dalawa sa video ng hindi pumayag si Kelly sa gusto ng lalaki ay sinampal nito ang kapatid niya. Gusto niyang magwala sa dinanas ni Kelly sa kamay ng lalaking iyon, pero wala siyang magawa dahil kahit anong gawin niya mas pinili ng kapatid niyang mamatay.

My god Kelly! Ano ba itong pinasok mo!
Sigaw niya sa sarili.

Maling mga tao ang pinaghigantihan niya bukod pa roon na saktan niya si Bridgette ng sobra-sobra. Napahawak na lang siya sa kanyang mukha dahil sa sama ng loob sa kapatid. Bakit nga ba hindi siya nag-imbistiga ng maigi, kung iyon lang sana ang ginawa niya hindi sana siya nakasakit ng ibang tao.

Tatayo sana si Kier nang makita ang litrato nila ni Bridgette na magkasama. Noong nagpunta silang subic ay nagpapicture silang dalawa para mayroon silang remembrance. Isinama pa rin pala nito ang mga gamit niyang naiwan niya sa bahay nito. Bridgette looks so happy in their picture without knowing that it's part of his plan to take revenge.

Pero pinagsisihan niya na ang lahat ngayon ang isang pinakamasakit sa lahat ang katotohanang hindi na siya mapapatawad ni Bridgette. He is stupid for breaking her heart when all she done for him is to love him, without asking who really he is.

Naalala naman niya ang mga halik nito ng nagdaang gabi, mga haplos nito sa kanya at ang pagbigay nito sa sarili. Hindi na siya makakahanap ng tulad ni Bridgette, akala niya noong una katulad ito ng ibang mga mayayaman na matapubre at nagmamalit ng kapwa ngunit nang makasama niya ito nakilala niya ang tunay na pagkatao nito. At kahit galit siya rito hindi napigilan ng sarili niyang hindi humanga sa dalaga.

Oo minsan naiinis ito sa kanya ngunit hindi naman tumatagal ang galit nito at nawawala din agad. Kaya ito  nagpunta kagabi para isampal sa mukha niya ang mga maling desisyon niya. At ang pagiging tanga niya dahil wala naman talaga itong kasalanan, Paano niya pa aayusin ang relasyon nila ni  Bridgette mapapatawag pa kaya siya nito?

Elite Sorority Series 1: Sassy Prosecutor Where stories live. Discover now