Chapter 18

1K 36 0
                                    

           NAGISING si Bridgette nakahiga sa dibdib ni Kier nakapulupot ang mga braso nito sa kanya. Siguro hinintay niya akong makatulog para makayakap sa'kin!

Umangat ang ulo niya sa mukha nito malalim ang tulog ng nobyo kaya hindi siya kumilos agad dahil baka magising niya ito. Ayaw niya sanang tumabi sa kama nito ngunit naiinis siya sa kakulitan ng nobyo alam niya ang ugali ni Kier hindi ito titigil hanggang hindi nakukuha ang gusto. Kaya pinagbigyan niya na lang pero hindi siya papayag na samantalihin nito ang sitwasyon niya. Dahan-dahan niya inalis ang kamay nito at umalis ng kama.

Dumiretso siya agad sa kusina para magluto ng almusal kahit hindi siya gaano kagaling magluto marunong naman siyang magprito. Agad niya kinuha ang hotdog at bacon sa ref pagkatapos nagbati siya ng itlog at ginawang sinangag ang kanin na hindi nila naubos ng nagdaang gabi.

Pag-akyat niya nakita niya nakasandal sa headboard ng kama si Kier at nakanguso pa sa kanya. "Bakit iniwan mo akong mag-isa rito?" pagmamaktol nito sa kanya.

"Nagluto ako ng almusal natin,"

"I thought you don't know how to cook?" tanong nito. Inilapag niya muna ang tray sa lamesa. "I know how to fry thou,"

"I see, that's good then once we live together you're assign to cook for our breakfast," nakangiting sabi nito.

Live together? So he has a plan to marry me?

Nakaramdam siya ng saya at kaba sa ideya na iyon, parehas na rin naman silang nasa tamang edad in Kier. She is already twenty-seven, her job is stable and she have savings in the bank not including her parent's inheritance. Pero handa nga ba siyang magpakasal? Ayaw niya matulad sa mga magulang niya nauwi sa hiwalayan.

"It's okay with me," nakangiting sagot niya sa nobyo.

Hapon nang matapos maglinis si Bridgette ng bahay simula noong bumalik siya ng Pilipinas tatlong taon na ang nakalipas, wala siyang naging kasambahay. Lumaki siyang independent at ayaw niya ring umasa sa ibang tao. Naalala niya bigla si Kier iniwan niya ito pagkatapos nilang kumain ng tanghalian.

Pinuntahan niya ito sa kwarto ngunit hindi niya ito nakita sa kama kaya nang makita niyang bukas ang pinto ng banyo agad siyang pumasok. Naabutan niya itong nakaupo sa gilid ng bathtub at pilit hinuhubad ang suot nitong damit.

Lumapit siya sa nobyo para tulungan ito. "Hey, why you didn't call me?" mahinang tanong niya.

"No, baka magalit ka naman sa akin kaya ako na lang," May halong tampo ang boses nito.

"Let me help you,"

Una niyang inangat ang kaliwang braso nito sunod naman ang braso nitong may benda. Nang tuluyan na niyang maihubad ang damit nito napatitig siya sa katawan ni Kier. Kagat labi siyang napapalunok at umaangat ang tingin niya sa mukha nito. Pinagmasdan niya ito habang unti-unting lumalapit sa mukha ng nobyo para halikan ngunit umiwas ito sa kanya.

"Thanks, you can go now I can handle this," sabi nito habang nakatitig sa kanya. Bahagya siyang nahiya kaya humakbang siya paatras nang bigla kabigin siya nito at idinikit ang katawan niya sa pader saby hinalikan.

Lumapat ang kamay niya sa leeg ng nobyo at gumagapang naman ang kamay nito sa dibdib niya. Matagal din naging ganoon ang posisyon nilang dalawa kaya nang pareho silang mahimasmasan ay lumayo na ito sa kanya.

Elite Sorority Series 1: Sassy Prosecutor Where stories live. Discover now