Chapter 6

1.5K 46 0
                                    

       TATLONG araw ng nagtra-training si Bridgette kasama si Detective Osma. Ngayon niya lang naisip na hindi talaga sila pwedeng magsama, kung bakit naman kasi nag boluntaryo pa siya na maging undercover sa operasyon na iyon. Marunong siyang mag martial arts pero halos tatlong taon na rin niya itong hindi ginagawa kaya kailangan niya ulit magsanay.

Pagkatapos ng training nila kanina dumiretso agad siya sa E.S pub para doon kumain ng tanghalian. Nakasuot pa siya ng sports wear kaya hindi na siya nagtaka kung bakit napapalingon sa kanya ang mga costumer pagkapasok ng bar. Restaurant ito sa umaga at Bar naman tuwing gabi agad niyang tinungo ang bar area at nakita niya ang manager nila na nakaupo roon.

"Good afternoon Samantha," bati niya sa manager.

"Hey, napadaan ka Prosecutor? Dito ka ba kakain?" tanong nito. "Yeah, si Harriet ba nandito? Sabay na kami kakain ng lunch," sagot niya rito.

"Si Ms. Harriet umalis lang pero maya-maya nandito na rin iyon."

Sabay silang napalingon sa babaeng papasok ng Hub. Familiar ito sa kanya nakasuot ito ng Football jersey at denim short, may hawak din itong kape. "Si Doc Lanna ba yan?" biglang tanong ng katabi niya sa kanya. Nang maglakad ito sa direksyon nila saka niya lang na kompirma na ito nga ang kaibigan.

"Allanna? Is that you!" bati niya rito.

"Shhh! Quit don't mention my name!" Pagpigil ng kaibigan sa kanya.

Nagulat siya sa itsura nito, sanay siya na nakasuot ito ng salamin at contact lens. Simula ng maging kaibigan niya ito natuklasan nila na abo ang natural na kulay ng mata nito, ngunit itinatago nito iyon para hindi pansinin ng mga tao.

"Bakit hindi mo suot ang contact lens mo? At bakit ka nandito, approve na ba yung leave of absence mo?" pagtataka niyang tanong.

"May pinagtataguan ako, meron kasing naghahabol sa akin kaya nagdesisyon akong mag-iba ng porma."

"Mas lalo ka nilang hahabulin kung ganyan ang itsura mo?"

"Basta bahala na, anyway what are you doing here? Among the two of us you're the one who love to stay at your office," balik na tanong nito.

"Paano meron akong katrabaho na nakakainis! Kung hindi lang sa Uncle mo matagal ko ng napatay ang Kier na iyon!" inis na paliwanag niya sa kaibigan.

"Ohh, First name basis kayo ah? Don't tell me you found him interesting?"

Muntik na niya mabuga ang iniinom dahil sa sinabi nito. Napaka imposible na magkaroon siya ng interest sa lalaki na iyon!

Baka interest na patayin ang lalaki na iyong pwede pa! Yung damuho na iyon? Nakapaka bastos kaunti na lang ay malapit niya ng gilitan ng leeg.

"Hindi ako interesado sa kanya ano! Alam mo bang bastos at arogante siya? And besides hindi naman siya magaling na Detective," prostesta niya sa kaibigan.

"Oh, at pati characteristic niya alam mo rin? This is the first time that you rant something about a guy, usually kasi puro trabaho o hindi kaya mga kalaban mo sa korte ang napaguusapan natin."

Damn! Allanna is good in analysing and observation. Pati iyon napansin niya pa? Pagtatalo ng isip niya.

"Hindi ano! Sadyang inis lang ako sa kanya," pagtatangi niya. Napansin niya ang apelido sa suot nitong jersey.

"Sino si Ventimiglia? At bakit ka nakasuot ng jersey kailan ka pa naging fan ng football?" Iniba niya ang usapan para hindi na siya tanungin nito. Bahagya itong namula kaya napangiti siya, siguradong hindi na ito mangungulit dahil natakot na niya.

Elite Sorority Series 1: Sassy Prosecutor Where stories live. Discover now