Chapter 19

1K 37 0
                                    

          TUMUNOG ang cellphone ni Bridgette hindi niya ito pinansin, alam niya na si Kier iyon kanina pa siya tinatawagan nito kahit nasa baba lang naman ng sala. Isasama niya ang nobyo sa E.S pub para ipakilala ng pormal sa mga kaibigan niya. At para mapakingan nito ang performance nila dahil ngayong araw para sa E.S band.

Tumutugtog sila magkakaibigan ng live sa garden area ng hub nila isang beses sa isang buwan para sa iyon sa charity na sinusuportahan ng sorority nila. Senior high sila noong mabuo ang banda sa pagpupumilit nila Nari at Keira na bokalista ng banda habang sila naman ni Harriet ang gitarista at si Allanna ang drummer.

Ilang hakbang na lang ay nasa sala na siya ngunit sumalubong agad sa kanya ang nakasimangot na mukha ni Kier. Kanina pa kasi siya hinihintay nito pero hindi niya pinansin.

"Oh? Bakit ganyan mukha mo parang nalugi ka sa pautang mo?" mapang-asar na tanong niya rito. "I call you more than ten times and you don't answer it," iritableng sagot nito.

"Why you need to call me? You I'm just upstairs. All you have to do is to wait here patiently," seryosong tugon niya.
Kahit halos isang buwan na silang magkarelasyon hindi pa rin maiwasan ni Bridgette na mainis kay Kier. Masyadong mainipin ang nobyo niya at iyon ang kinaiinis niya rito.

"Aren't we going to your concert?" malambing na sambit ng nobyo.

"This not a concern it's a one night gig of E.S band," sabi niya at naglakad na siya palabas ng bahay.

"Hey, I'm sorry okay. Ayoko pumunta doon na galit ka sa akin," Huminto siya at nilingon ito.

"Magkaiba ang galit sa inis, nainis lang ako. Your apology is accepted." Natanaw niya agad ang malaking ngiti sa labi ng nobyo.

Pagdating nila Bridgette sa E.S hub halos wala pang masyadong tao sa garden area kaya dumiretso sila ni Kier sa loob ng hub. Nakita niyang nakatingin ang mga kaibigan niya sa kanilang dalawa ng nobyo hawak pa kasi nito ang kamay niya kaya mas lalong kuha atensyon sila. Inanusyo niya sa group chat nila na kasama niya ang nobyo pero mukhang gulat pa rin ang mga kaibigan niya ngayon.

"Hi, girls," matipid ngunit nakangiting bati niya sa mga kaibigan.

"Hello lovers," masayang bati ni Nari sa kanila. Samantalang si Kiera naman ay lumapit at nakipagkilala,

"I'm Kiera, nice to meet you..?" sabi nito na may halong pag-aalinlangan

"Oh, I'm Kier. Nice to meet you too," ganti ng nobyo niya.

Samantalang si Harriet at Allanna ay pilyang nakatingin sa kanilang dalawa. Nakikitaan na niyang maraming itatanong ang mga ito pero nakapaghanda naman siya.

"Mabuti naman nakita kana namin, ang tamang ta-," Pinanlakitahan niya ng mata si Nari at umiling pa siya para pigilan ito sasabihin bago pa mabangit nito ang tungkol sa pustahan ng iba pa nilang kaibigan.

"Tamang taong ano?" nagtatakang tanong ni Kier rito.

"Oh, tamang tao para kay Bridgette," Pagdadahilan ni Nari. Natawa siya sa sagot nito, mabuti na lang magaling ito mag-iba ng usapan.

"Sana all may kasamang Boyfriend," singit ni Samantha ang Manager ng hub nila na napadaan lang sa kinatatayuan nila.

Pinagtawanan lang nila ito, dalawa sa mga kaibigan niya ang may karelasyon na nagkataon lang na nasa ibang bansa ang mga ito ngayon.

"I don't need a boyfriend," Hirit naman Allanna. "Of course how you will need it if you already have a husband," natatawang banat ni Nari rito.

Umirap lang ang ang unang babae sa isa pa niyang kaibigan. "The gig will start after thirty minutes," matapid na anunsyo ni Harriet.

Elite Sorority Series 1: Sassy Prosecutor Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin