Chapter 20

1K 32 5
                                    

         
            MASAYANG pinapanuod ni Kier si Bridgette at ang mga kaibigan nito habang kumakanta sa taas ng stage. Hindi niya alam na isa din pala banda ang E.S girls, akala niya noon bukod sa kilala ang grupo dahil lahat ng membro nito ay galing sa mayayaman at makapagyarihang pamilya. Meron din palang talento sa musika ang mga ito.

Ngayon ay alam na niya kung bakit sikat ang mga ito sa lalakihan, kung bakit sila ang basihan ng mga katrabaho niya para maging girlfriend ng mga ito. At isa siya sa mga pinalad na maging karelasyon ang isa sa membro ng Sorority na ito.

Ilang saglit pa natapos na ang unang bahagi ng kanta nila. Nagsimula na ang second set ng tugtog ng nobya niya ngunit sa pagkakataon na iyon. Hindi na pop at rock ang tugtog dahil nagiging mellow at senti na ang kanta nila. Ngunit ang pinagtataka niya hindi na si Bridgette ang guitarista kung hindi ito na bokalista ngayon. Nang magsimula itong kumanta naghiyawan ang mga tao sa loob ng garden area.

Mas lalo siyang natuwa dahil nakatitig lang si Bridgette sa mata niya habang kumanta ito, ramdam niya ang emosyon at pagmamahal sa bawat bigkas ng nobya. Napalingon siya sa bandang kaliwa nang maramdaman ang isang kamay na pumatong sa balikat niya.

"Mukhang umaayon ang lahat sa plano mo ah?" sabi ng lalaki sa kanya.

Tinignan niya muna ito ng masama bago sumagot, "Hindi ito ang tamang panahon para pag-usapan yan," inis na sagot niya.

"Bakit naman? Dahil ba nahuhulog kana sa kanya?" seryosong sagot nito. "Sabi ko wag natin yan pag-usapan ngayon," balik na sagot niya rito.

Maganda ang araw niya at ayaw niya itong masira dahil lang sa lalaking kausap niya ngayon. Alam niya kung ano ang ginagawa niya at ang dahilan kung bakit niya ito ginagawa. Kaya hindi niya sisirain ang plano na matagal at pinaghirapan niyang mabuo.

"Okay sabi mo eh, bro pansin mo ba bukod sa mga E.S girls halos lahat ng mga audience nila dito puro magaganda. Kung hindi man ako swerte sa E.S girls baka nasa paligid lang ang para sa akin," Nakangising sambit nito.

Kahit kailan talaga puro mga babae ang na sa isip ng lalaking ito. Pero tama naman ito dahil ang lahat ng nandito sa loob ng garden ay magaganda at mukhang mayayaman lahat.

Pagkatapos ng halos dalawang oras na pagkanta ng nobya ay natapos na sila. Agad naman itong bumababa ng stage at lumapit kay Kier ng nakangiti. "Star, did you like our performance?" tanong nito sa kanya. "Of course specially when you sang," masayang tugon niya at hinalikan niya ito bigla sa labi.

"Wow, sana all may kahalikan sa public!" Nagulat sila pareho ni Bridgette sa lalaking sumigaw sa likuran nila agad namang bumitaw sa pagkakahawak sa kanya ang nobya.

Nakita niya ang papalapit na dalawang lalaki, ang isa sa kanila ay pamilyar sa kanya. "Don't worry they are my cousin," bulong ni Bridgette.

"Hey, why are you kissing my cousin in public? Nagpakilala kana ba sa pamilya namin?" matapang na tanong ng isa sa mga pinsan ni Bridgette. Ngunit hindi siya natinag sa paninintak nito.

"Levi, stop that okay," inis naman pagpigil ni Bridgette rito. "Why? If he have the guts to kiss you in public he should have the guts to introduce himself to your family! Hindi yung dito namin makikilala,"

Lumapit siya sa pinsan ni Bridgette para ilahad ang kamay at magpakilala, "Hi, I'm Kier Osma. Bridgette's boyfriend," Tinignan lang nito ang kamay niya at hindi ito hinawakan. "I only consider it once you introduce yourself to my Uncle," seryosong sambit nito.

"I'm not a teenager anymore, I know how to handle things and to make decision on my own," singit ulit ng nobya niya. "Does it include of introducing him formally to us? if Brandon is here he will not gonna allow you do what you doing right now," Napansin niya na mas istikto ito kesa sa isa pang pinsan ni Bridgette na nakilala na niya noon sa restaurant.

Elite Sorority Series 1: Sassy Prosecutor Where stories live. Discover now