Chapter 2

2.3K 70 3
                                    

      HALOS tatlong linggo rin naging abala si Bridgette sa kaso ni Alicia. Maganda naman ang kinahinatnan ng kaso dahil nakuha nila ang hustisya para sa kliyente niya. Tinignan niya ang suot na wristwatch, malapit na mag alas-singko ng hapon may oras pa siya para maligo.

Tradisyon na nilang magkita-kita tuwing biyernes ng gabi dahil sinasarado nila ang E.S pub para maging eksklusibo lang ito sa mga babae nilang customer. Ginagawa nila ito para makapagsaya ang mga working girls na tulad niya. Ang pub nila ay may private rooms at may KTV din ito. Tinawag nila itong Friday Night Drunk Confession or FNDC.

Pagdating niya sa loob agad bumungad sa kanya ang Manager ng hub na si Samantha, "Hey Prosecutor matagal-tagal ka din hindi naka dalaw dito ah?" masayang nito sa kanya.

"Oo medyo madaming trabaho sa opisina, nasaan sila?"

"Nasa bar one sila Ikaw At si Doc na lang ang wala." Ang tinutukoy nito ay ang isa pa nilang kaibigan.

"Ganun ba, sige puntahan ko na sila." Ngiti lang na naging tugon nito sa kanya.

Sumilip muna siya sa labas, transparent ang kalahating bahagi ng pinto kaya tanaw ang mga tao sa loob. Nasa loob na ang mga kaibigan niya At kanya-kanya ang mga ito sa mga ginagawa nila sa loob ng kwarto. Si Keira ay abala sa pagkanta gamit ang microphone, si Nari naman ay nakaupo sa sofa at umiinom ng alak. Habang si Harriet ay natuon ang atensyon sa hawak nito song book.

Dahan-dahan niyang kinabig ang pinto paloob. "Hello girls! Kamusta na kayo?" masiglang bati niya.

Irap ang naging sagot ng dalawa, habang si Keira ay binigyan siya ng mahigpit na yakap. "Grabe sobrang busy mo naman? Tatlong linggo kang hindi nagparamdam sa amin?"

Sa kanilang lima si Keira lang ang matuturing na mabait At maalahanin. "Tutok ako sa kaso, mabibigat na tao ang kalaban." paliwanag niya.

"I thought you already married your job?" Kapag kuwan ay si Harriet naman ang nagsalita.

"Marrying someone never cross my mind," tutol niya rito.

"Oh? So you want to end up being an old maiden?" singit ni Nari.

"Who will going to be a old maiden?" Napalingon silang lahat sa may pinto. Ang dumating ay ang laging huli sa kanila na si Allanna. Nakasuot lang ito ng jeans at white t-shirt na may anime character na logo.

"You and Bridgette will gonna end up an being old maiden, does white collar job makes people busy?" tanong ni Harriet sa kanilang dalawa.

Binaba muna ni Allanna ang bagpack nito bago tumabi sa pagitan nilang dalawa ni Harriet. "I been here for two years, but hospital setting still exhaust me. I shouldn't quit being a military doctor," reklamo nito sa briton na tono.

Dati itong military doctor pero dahil sa udyok ng ina, kaya napilitan itong maging Doctor na lang sa normal na paraan. Delikato din kasi ang mga pinupuntahan nito.

"Lanna, sama ka sa akin sa farm? Kapag na approve na ang leave mo," tanong ni Keira gamit ang mic.

"I'm not sure, I have lot of things to in the hospital."

Nakita niya ang kakaibang tingin sa mata ng unang kaibigan, mukhang na huhulaan niya na kung ano ang itatanong nito.

"How's the case? Is she alright?" tanong ni Allanna.

Elite Sorority Series 1: Sassy Prosecutor Where stories live. Discover now