Chapter 30

1K 29 0
                                    

       
           ITINUON  ni Bridgette ang oras sa kaso at sa trabaho para mawala sa isip niya si Kier. Ayaw niyang masira nito ang sistema niya, simula ng gabi na iyon hindi na mawala sa ala-ala niya ang namagitan sa kanilang dalawa. Nagdesisyon siya pumunta sa E.S pub para doon kumain ng tanghalian kahit papaano mawawala ang problema niya dahil may mga kausap siya roon.

Naglalakad siya sa parking area nang marinig ang mga yabang na mabilis na sumusunod sa kanya. Hinawakan niya agad ng mahigpit ang bag at hinampas ang taong nasa likod niya. Hawak pa lalaki ang pisngi nito nang lingunin niya. "Ouch grabe ka naman Prosecutor ang sakit noon ah," sabi ni Jared habang hinihimas ang tinamaan na mukha.

"Ikaw naman kasi eh, ginulat mo ako. Sorry did you get hurt?"

Tinignan niya ang namumulang mukha ng lalaki. "I'm okay now, Bridgette." mahinahong sambit nito. Biglang nagniningning ang mata nitong nakatingin sa kanya. Napabitaw naman siya sa pagkakahawak rito. "Ano ba kasing ginagawa mo rito?"

"Ano pa ba eh di kakain? Dito ka rin ba maglu-lunch?"

Tumango lang siya sa lalaki. "Libre mo ko ah, bayad sa paghampas mo sa akin. Kesa naman kasuhan pa kita ng physical injury," pagbibiro nito napataas na lang ang isang kilay niya sa lalaki.

Sabay silang pumasok sa loob ng E.S hub ngunit napahinto siya dahil lahat ng membro ng E.S girls ay naroon sa loob. Nakita niya rin ang mga makahulugan na tingin ng mga kaibigan sa kanya. Akala siguro ng mga ito ay nakikipagdate siya, ayaw niya pa nga makihalubilo ngayon sa mga lalaki!

Nakaupo na silang dalawa ni Jared nang lumapit si Allanna sa kanila. "Good afternoon Sir and Ma'am, this is our menu," Tinignan niya lang ito ng masama ngunit nakangiti ito na parang nawawala sa sarili. Abala naman ang lalaki sa pagpili ng kakainin nila. Habang siya naman ay pinagmamasdan ang iba pa niyang kaibigan. Sumisenyas pa ang mga ito at tinituro ang kasama at umiling-iling lang siya.

Narinig niya ang mahinang tawa ni Allanna kaya sinipa niya ang paa nito. "Ouch!" tahimik na pagdadaig nito. Inangat pa nito ang kamay sa kanya at aambang papaluin siya.

Kanina pa dumating ang pagkain nila Bridgette pero hindi man niya lang ito ginagawaw. Hindi siya makakain ng maayos dahil may mga matang kanina pa nakasubay-bay sa kanya. "You don't like the food?" tanong ni Jared na may pag-aalala.

"No, I like it. This is actually my favourite,"

"Those are your friends right? Why don't go join them," Bigla siyang na tahimik sa tanong nito, kung ganoon napapansin na pala nito ang pinaggagawa ng mga kaibigan niya.

"When did you know that I'm the member of Elite Sorority?" Sa pagkakaalam niya hindi naman niya na kuwento sa lalaki ang tungkol doon.

"Well, tumingin ka doon?" May tinuro ito at agad naman niya sinundan. Nakita niya ang mga picture nila sa gilid ng pader, napangiti na lang siya sa binata.

"I didn't know we have our picture's there,"

"I guess para mas dumami customers niyo," sabi nito at kumindat pa sa kanya. Mukhang nakukuha na niya ang mga galaw nito.

"I don't think that's helpful," Pagtatangi niya mas lalo kasing malalaman ng public na pagmamay-ari nila ang E.S hub.

Lumiwanag ang mga mata nito. "That's the reason why I came here, because E.S hub owns by an good and beautiful women,"

"Lilibre pa rin naman kita kaya wag mo na akong utuin," natatawang sagot niya sa lalaki. "Hays, mukhang mahirap kana pasayin ngayon ah?"

He is right it's hard for her to trust anyone or to let any man come closer to her, after what Kier done to her she is become more vigilant and aware to people coming in to her life. Hindi niya hahayaang maulit ang lahat ng pagkakamali niya hindi na kahit kailan!

Elite Sorority Series 1: Sassy Prosecutor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon