Chapter 22

957 29 0
                                    

     NAGISING si Bridgette ng Alas-cuarto ng umaga para uminom ng tubig sa baba ng kusina. Dahil sabado ngayon ay makakapagpahinga siya ng maayos. Halos tatlong linggo din siyang abala sa kasong hawak kaya naging madalang din ang pagkikita nila ng nobyo niya na si Kier. Meron din kasi itong inaasikasong kaso madalas puro tawag na lang ang nagiging komunikasyon nilang dalawa. Hawak niya pa rin ang baso ng tubig paakyat ng hagdaan.

"Wah!" Muntik na niyang mabitawan ang baso na hawak dahil sa pagkagulat. Natatawa pa si Kier habang siya naman gusto na niyang ibuhos sa lalaki ang tubig. "Natakot ka ano? Namumutla ka," natatawang tanong nito. "Abnormal ka ba? Gusto mo akong patayin sa gulat! Buhos ko kayo sa iyo itong tubig?" Nakaangat ang kamay niya at tangkang bubuhusan ito.

"Sorry, let's go pack your things because we're going on a date,"

"I don't want, I'm going back to sleep. Ang aga-aga nangiisturbo ka? At paano ka nakapasok dito sa loob na bahay wala ka namang susi?" Nagtatakang tanong nito sa kanya.

"Well, I know which part of your house where the alarm can't access," mayabang ang tingin nito. "Ah, nakalimutan ko dati ka palang akyat bahay." pilosopong sagot niya sa nobyo. Naglakad na siya pataas at hindi na niya ito nilingo pa.

"Mag-bihis kana ah, hintayin na lang kita dito sa sala,"

"Bakit saan ba tayo pupunta?" Nakakunot noo na tanong niya. "Basta, wag kanang maraming tanong. Sundin mo na lang ako, okay?"

Saan naman kaya siya dadalhin nito sa ganitong kaaga? Para matapos na ang usapan nila sumunod na lang siya sa nobyo. She is wearing high rise colorado maroon pants and a black sleeveless and she paired it with flat shoes. Isang body bag lang ang dinala niya para lalagay ng mga gamit niya. "Tara na, saan ba kasi tayo pupunta?" Nakatitig lang si Kier sa kanya habang papalapit ito. Hinawi pa nito ang buhok niya sa magkabila niya balikat. "I miss you," May ibang dating ang mga salitang iyon sa kanya. Sobra-sobra ang saya ng dulot nito sa pagkatao niya.

"I miss you too," At humalik siya sa labi ng nobyo. "Hindi ka pa magsusuot ng jacket?" tanong nito nang maghiwalay na ang kanilang mga labi. "No, I don't want to wear jacket,"

Nakaupo na siya sa passenger seat nang biglang iabot nito sa kanya ang isang denim jacket. "Here, wear this." Nakangiti pa ito na parang nasisiraan ng bait. Umirap lang siya sa nobyo habang napipilitan na isuot ang binigay nitong damit sa kanya.

    Mag-aalas Otso na ng umaga sila nakarating sa subic, nasa kotse na sila nang sibihin sa kanyang ni Kier nasa Zambales pala ang punta nila nakapagbook na raw ito ng hotel doon para sa kanila.

Sa tapat ng subic bay yacht club huminto ang sinasakyan ni Bridgette doon sila mananatili ng buong weekend nila ng nobyo niya. Pagkatapos nilang ilagay ang mga gamit sa kinuha na kwarto agad silang dumiretso sa isang stake house at doon kumain ng almusal.

"Bakit pala dito mo na isip mag-punta?" tanong niya sa nobyo hanggang hinihiwa ang steak sa kanya plato. "Maganda rito at maraming tayong activities na magagawa," sagot naman  nito.

"Marami rin naman magagawa sa amusement park eh, tapos may roller coaster pa. Tapos with in metro manila pa," Nakita niya binababa nito ang hawak na tinidor at tumingi sa kanya ng masama. "Alam mo bang sa tuwing napadadaan ako sa amusement park parang gusto kong ipasara," Iniisip pa rin ng nobyo niya ang naging date nila dati ni Lewis bago nila ito mahuli.

"Ang OA mo nasa kulungan na nga yung tao,"

"Nagkagusto ka ba sa kriminal na iyon? Be honest with me?" Nagulat siya sa tanong nito. Hindi niya alam kung sasagutin niya ba ang tanong nito. "Hmm...ahh...why? Does it matter?" Hindi niya mabuo ang sasabihin dahil na iinis at nahihiya siya sa maisasagot niya sa nobyo. "Of course it's important for to know! So did you even like him?"

Elite Sorority Series 1: Sassy Prosecutor Where stories live. Discover now