Chapter 31

993 34 2
                                    

         HAlOS tatlong linggo rin pinagtuunan ni Bridgette ang trabaho niya. Nakaupo siya ngayon sa loob ng korte, habang hininitay ang pagkakataon niyang magtanong sa akusado. Kilala ito at may mga koneksyon din, matagal-tagal din siyang nakakakuha ng ebidensyang magpapatunay na may sala ito. Dahil dating Politiko ang akusado nakatanggap siya ng mga pananakot, ngunit hindi siya natinag at pinagpatuloy niya pa ring kalabanin ito.

"Sabi mo na nahuli mo si Mrs. Belmonte na kasama ang isang lalaki na nakahiga sa kama tama ba ako?" tanong niya sa akusado.

"Yes, your honor."

Naglakad siya sa kabilang kahagi ng kwarto. "Kung ganoon kakarating mo pa lang sa bahay noong makita mo sila? Maari mo bang sabihin kung saan ka galing bago ka bumalik sa bahay niyo?"

"I came back from my office and when I'm already home I went upstairs, I saw the two of them naked." diretsong sagot nito.

"That's all your Honor," Nakatingin siya sa hurado habang nagsasalita.

"Prosecutors please present your first witness."

Agad naman lumabas ang testigo at umupo ito pagkatapos manumpa. "Please state your name and your age."

"Ako po si Mario Morales tatlongput-limang taon na po ako," pagpapakilala nito sa mga tao.

"Maari mo bang sabihin kung kilala mo ang akusado?"

"Siya po ang amo ko at ako naman ang driver niya,"

Lumapit siya sa gilid ng kinauupuan nito. "Ilang taon kanang nagtra-trabaho kay Mr. Belmonte?"

"Halos labing apat na taon na po," Mas nilakas pa ni Bridgette ang kanyang boses sa pagtatanong rito.

"Magkasama ba kayo ni Mr. Belmonte noong gabi ng Marso bente dos nitong taon? Bago nangyari ang krimen?"

Lumingon muna ang testigo sa direksyon ng akusado bagong ito nakasagot. "Hindi po kami magkasama nasa bahay lang ako dahil sinabi niya na wala kaming pasok ng araw na iyon,"

Alam niyang ang plano ng kalaban gusto nitong palabasin na crime of passion ang nangyaring pagpatay at hindi intensyonal. At hindi rin tumutugma ang alibi ng akusado sa mga ebidensyang nakuha niya.

"Your honor that's all,"

Binigyan sila ng dalawapung minuto na pahinga nagpunta muna siya ng washroom nang makaramdam siya ng pagkahilo. Madalas siyang nahihilo nitong mga nakaraang araw siguro dahil nagpapalalunod siya sa trabaho. Pagbalik niya sa kwarto agad niyang inayos ang mga ebidensya para maipakita sa hurado.

"Your honor this my evidence showing the asset of Mr. belmonte their business is on crisis. And four months ago they announced bankruptcy," Inabot niya ang papel sa harapan ng hurado.

"Let me present my second witness your honor,"

Pagpasok ng pangalawang witness ay namumpa ito agad. "Please state your name, age and occupation."

"I'm Paul Reyes, twenty-nine years old. I'm working in golden dragon casino as general manager."

"Mr. Reyes do you know the accused Mr. Belmonte?" Tahimik ang buong paligid at pansin niya rin ang panginginig ng kamay ng akusado.

"Yes, your honor he is our regular customer in our casino,"

"Regular? How often is that?"

"He is present every night, and Mr. Belmonte is our customer for five years now," Nakatitig siya sa mga mata nito habang diretso ang pagsagot nito.

"When was the last time he visited the golden dragon casino?"

"I saw him on twenty one of march but on next day he was absent,"

Elite Sorority Series 1: Sassy Prosecutor Where stories live. Discover now