Chapter 113: Betrayed

6 2 0
                                    

Lluvia's

I hold my breath and tried my best to keep myself calm. Bumalik muli ako sa pagkakahiga saka pumikit ng maigi. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. I was just about to burst my emotion out there but I don't wanna look like an idiot so I just keep it within myself and ran back here.

Hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko. Naiinis talaga ako! Hinablot ko ang unan ni Perseus saka binaon ko ang sariling mukha. Wala na nga si Perseus sa tabi ko pagkagising tapos 'yun pa ang makikita ko. So. Much. Hate.

"Bakit parang natatagalan naman syang bumalik dito?" I asked myself.

Huminga ako ng malalim saka kinuha ang phone sa may side table. I need to pick the right cursing words for them.

I just can't believe it! Kanina kasi bumangon ako para puntahan sina Leica at Abby sa kwarto nila tapos bigla ko na lang nakitang wala ng kalaman-laman ang kwarto and same goes to Calix' and Greg's room kaya bumalik ako dito sa room nang inis na inis.

I hate them all for leaving me but... Napangiti ako sa sariling naisip. I hate them but I also love them at the same time. Atleast, nandito pa rin ako kina Perseus and I can stay here all day since wala naman akong klase. For sure, maiinis sa akin 'yung magaling nyang ina. What a good day ahead!

I get out of bed to look for Perseus but I was surprised when he showed up exactly when I just opened the door. Halata din ang pagkagulat sa mukha nya. I smiled at him but he seems like... a bit different? He smiles back like he's hesitant about it.

"Are you okay?" I asked.

"A-andromeda.." he said as his expression soften. His eyes are telling me that there's something wrong but I can only see how blue he is.

"May problema ba Perseus?" taka kong tanong saka hinila sya pabalik sa kwarto.

After he close the door of his room, he immediately walks towards me and pulled me into a hug. And as for the next moment, I felt him crying on my shoulders while he's mouthing "Sorry" multiple times.

I was confused by his action but I tried my best to comfort him so he can speak up what he's really wanna talk about.

"Perseus?" mahina kong pagtawag sa pangalan nya matapos ang ilang minuto nyang paghingi ng tawad sa hindi ko pa rin malamang dahilan.

"Hmm?" tugon nito. Yakap-yakap pa rin nya ako kahit na nakaupo na kami sa may kama.

"What's the problem?" I asked.

He fixed his position and straightly looks at me, "I'm sorry, my Andromeda."

"Para saan ba?" tanong ko muli.

"Sorry nga kasi.." nanghihinang sabi nya saka niyakap ulit ako but I refuse to accept the hug saka hinawakan ang magkabila nyang balikat.

"Perseus, tell me what's really going on because you keep on confusing me." masinsing sabi ko sa kanya.

It stays quiet for a while. Isang katok mula sa pinto ang pumutol sa katahimikan nang hindi makasagot sa'kin si Perseus kaya tumayo ako para tingnan kung sinong kumatok.

"Ma'am. Sir. Sumabay na daw po kayo sa breakfast sabi ni Madam." the maid said then bows right after saka umalis din.

Nilingon ko naman si Perseus.

"Perseus, ikain na lang muna natin 'yan. C'mon?" nakangiti kong tanong sa kanya.

He smiles back. A force one. Tumayo na sya at kaagad na din kaming bumaba para sumabay ng almusal sa kanila. Pagkadating sa dining table, nabigla ako nang makitang nandito pa rin pala si Jane.

No one dares to speak as Perseus and I sat and joins them. In fact, the whole breakfast and the table stays quiet until Tita Esme left and only the three of us now are ones who left in the table.

"Having a nice morning, Lluvia?" basag ni Jane sa katahimikan.

"So far its good kaya huwag mo nang subukang sirain pa." kalmado kong sabi.

"Oh. I was surprise na hindi ko pa pala nasisira." she said that makes me a little confused. Kita ko naman ang paghigpit ni Perseus sa paghawak nya ng kutsara nya.

What is really going on?

"For sure, Perseus is having a nice one. Right Perseus?" she said as she smile.

"Shut up." malamig na sabi ni Perseus.

For sure, kung may nangyayari man ngayon... it sure is between Perseus and Jane. I'm already having a bad feeling about this.

"What's going on?" tanong ko.

"Gusto mo ba talagang ako ang magsa--" naputol ang pagsasalita ni Jane nang biglaang tumayo si Perseus at umalis. Sumunod naman ako sa kanya at hinayaang ngumisi mag-isa don si Jane.

I grabbed Perseus' wrist to stop him.

"Perseus, ano ba talaga?!" tanong ko sa kanya at hindi na mapigilang magtaas ng boses.

"Promise, I don't really mean it my Andromeda! I felt so guilty about it. I'm sorry! It's just one kiss and yet I felt like I'm cheating on you." he exclaimed.

"Kiss?" pag-uulit ko sa narinig.

Tumango sya. Kaya naman pala ganyan na lang sya makaakto.

"Perseus. It's no big deal for me. Why are you panicking so much 'bout it? Para kang nakabuntis ng ibang babae." taka kong tanong.

"Di'ba doon nagsisimula kaya nabubuntis ang babae?" he answered that almost make me spit out the water I drank earlier.

Para akong nanigas sa kinatatayuan ko at hindi ko na malaman kung ano ba ang sunod kong sasabihin sa kanya.

"Saka.. may sinabi pa sya sa'kin..." he continued. "She said that I only love you because I'm just stucked with you. Wala lang daw akong masyadong experience sa iba dahil halos ikaw ang nakasama ko sa buhay ko mula pa nung virtual ako."

Natigil ako sa sinabi nya. I suddenly feel heavy inside. Now, I'm completely speechless. Unti-unting pumasok sa isip ko ang sinabi nya. I don't want to think about this but what if... she's right?

MS#2 "Existing" || (On-going)Where stories live. Discover now