Chapter 20

321 16 3
                                    

"We have to go back to the ballroom. I'm sure your dad is already worried." Maglalabing-limang minuto na kami ni Asul dito sa play area ng hotel pero hindi ko pa rin sya mapilit-pilit na bumalik sa taas. Panigurado, labis na ngayon ang pag-aalala ni Blank.

"Asul, come on!"

He just laughed at my attempt to reach for his arms and continued playing with the slide. Pati si kuya na nagbabantay ng play area ay napapiling na lang din sabay ang tawa sa sitwasyon namin.

I checked my watch again.

I sighed and got no other choice but to get inside the play area. Humingi ako ng permiso sa tagabantay at buti na lang talaga pinayagan nya ako.

I took my highheeled shoes off and went to catch for Asul.

Mukha akong batang nakikipaghabulan sa kanya. Jesus! Nakadress pa ako nyan ah!

"Ang cute nyong mag-ina!"

Napakamot ako ng ulo nang mapansing may iilang tao na nanonood pala sa aming dalawa. Sobrang magalaw kasi itong si Asul kaya labis akong nahihirapan na habulin sya. Kung hindi sa slide ay sa swing naman ang tungo nya.

Kung hindi lang ako nakadress, papasukin ko talaga sya sa loob-looban ng bilugang pinapasukan nya.

"Asul, please. We have to go back now. Stop running!"

Hingal na hingal na ako kakahabol sa kanya pero sya full energy pa rin. Jusko naman!

"Got you!"

Natawa kami pareho nang sa wakas ay mahabol ko ang kamay nya. He smiled at me beautifully and hugged me. Ramdam ko ang lamig ng pawis nito.

"Come on. We need to go back now."

I helped him wear his black shoes first bago ako umupo sa maliit na silya at yumuko para naman maisuot sa paa ko ang sapatos ko.

"I'm done! Let's—"

Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang may malaglag na panyo sa harapan ko at sumaktong nasalo ko iyon.

I looked up to check who dropped the handkerchief and was a bit taken back to see Blank glaring at me— not totally in my face but ...

Napatingin ako sa sarili ko at kulang na lang ay sabunutan ko ang sarili ko nang maalalang naka V-neckline pala ako at isang maling pagyuko na lang ay kita na loob ko.

I gulped and tried my best not to look nervous in front of him.

"W-were you looking for Asul? Sorry sumama kasi sya sa akin."

He glanced at his son. Nginitian lang sya ng anak nya— the usual innocent boy. I smiled and sighed when I realized that my time with his son is about to end.

"Sige, mauna na ako." Pagpapaalam ko na nagpabalik ng atensyon ni Blank sa akin. Because of the akwardness between us, I immediately shifted my gaze from his face to his son's. Medyo yumuko ako pero sa pagkakataong ito, ginamit ko na ang kamay ko para matakpan ang dibdib ko.

"It's nice seeing you again, Asul."

I kissed his cheeks, then gently wiped his sweaty face using the handkerchief Blank gave me.

"Bye, tita Pent!"

He waved me goodbye. Umayos ako ng tayo at tiningnan si Blank.

"Congratulations nga pala." I tried to make it sound like I am happy about it. May kurot akong naramdaman pero binalewala ko na lamang. I'm glad he is finally engaged— seryoso. Maybe we were really not meant to go that far. Naisip ko na baka hanggang match sa bubble lang talaga kami.

That One MatchWhere stories live. Discover now