Chapter 26

334 18 4
                                    

"Nabilhan mo na ba ako ng ticket pabalik ng Manila, Jeric?"

I asked during our lunch at Y2K Talabahan around Atria Park. I'm treating them for their successful event yesterday.

"I already did, ma'am. Ihahatid ko po mamaya sa inyo ang ticket."

"Thanks."

"Anong oras nga ulit flight nyo mamaya?"

Muli akong nagtanong.

"7:30 po, ma'am."

Si Essey naman ang sumagot.

"Good. Huwag na muna kayong pumasok bukas sa opisina. Just take a whole day rest."

"Salamat, ma'am."

Nginitian ko silang lima at nagpatuloy na sa pagkain. We talked about random stuffs such as travel places they wanna go, foods they want to try in Iloilo, their favorites and many other things.

Nang matapos kaming kumain ay sabay na rin kaming anim na naglakad pabalik sa hotel. On our way back to the hotel, nakasalubong namin ang mag-amang Alfonzo.

Ngayon ko lang ulit nakita in person si Mr. Alfonzo.

"Ms. Locsin."

Wala sana akong balak na pansinin sila subalit si Mr. Alfonzo na ang mismong tumawag ng pansin ko. I asked my staffs to go ahead first.

"Mr. Alfonzo. How long has it been?"

I smiled and we exchanged handshakes. Pinalandasan ko ng tingin si Blank. He is just staring at me.

"Hindi na tayo nagkausap pa simula nang gabing-" napakamot ang matanda sa ulo. "I have not said my apologies to you, Ms. Locsin."

Muli akong ngumiti sabay ang pag-iling.

"Are you heading back to the hotel?"

Tumango ako. Medyo kumunot ang noo kung paano nya nalaman na sa iisang hotel kami nags-stay. Napatingin ako kay Blank.

"Oh."

The old man noticed.

"Dreaker said you are here."

Nagpatango-tango ako.

"Anyway, I guess you are on your way to eat your lunch. Mauna na po ako, Mr. Alfonzo."

"We already ate our lunch inside. Lumabas lang kami ng anak ko para magkape. Mind if you join us?"

I blinked twice.

"I don't-"

"And I have to discuss some important matters to you, too. Is it okay?"

Dinilaan ko ang ibabang bahagi ng labi ko dahil sa sinabi ng matanda. I looked at Blank, and he didn't even react to what his father has said.

Hindi pa kami nagkakausap nitong isang 'to simula kagabi.

"Sure, sir."

I don't want to be rude to him. May magandang pinagsamahan pa naman kami ni Mr. Alfonzo kahit papano.

When we got inside the nearest shop, Blank took orders for us. Naghintay kaming dalawa ni Mr. Alfonzo sa mesa.

"I know about you and my son."

Isang manipis na ngiti ang isinukli ko sa sinabi nito.

"Please don't give up on him."

Nagpakurap-kurap na naman ang mga mata ko sa di inaasahang narinig mula sa kanya.

That One MatchWhere stories live. Discover now