Chapter 325

481K 23.2K 33K
                                    

A/N: WARNING!
















































WARNING lang. Gusto ko lang ilagay. Hehe

450,000

Jay-jay's POV

Isa tong panaginip....bangungot.

Nanlalaki pa ang mga mata ko habang pasimpleng nakasilip sa bintana ng kwartong pinag-gisingan ko. Sabog-sabog ang buhok at may panis na laway pa. Pero hindi yon ang inaalala ko.

Ayun ang salarin.

Palakad-lakad sa dalampasigan ang walang-hiya. Lumakas sana ang alon tapos tangayin siyang hayop siya!

Ay lumingon!

Agad akong nagtago sa gilid ng bintana. Hindi niya pwedeng malaman na gising na ko. Umikot ako at niligid ang paningin sa buong kwarto. Nagbaba-kasali na may telephone na pwede kong magamit o kaya makita ko ang gamit ko.

Pero maganda ang kwarto, gawa sa kawayan ang pader at punong kahoy naman ang sahig. Hindi ko nga lang alam kung tunay ba o design lang. May ceiling fan pero parang hindi na kailangan dahil malakas ang hangin na pumapasok mula sa bintana.

Dalawa ang pinto sa loob, malamang na palabas ang isa at banyo naman siguro ang isa. Parehong gawa sa kawayan pero mukang matibay naman.

Halos mapatalon ako ng makita ko ang bag ko sa lamesang gawa din sa kawayan. Mabilis kong nilapitan yon at hinalungkat. Sinabog ko na ang mga gamit para lang mabilis na makita ang cellphone ko pero nanlumo ako ng wala akong makuha.

Shutanginamers!

"Napaka-walang-hiya mo!" Ipit na sigaw ko.

Planado talaga to! Kasabwat si Sir Alvin dito. At pasasabugin ko ang mga bulkan kapag nalaman kong kasabwat din si Kuya Angelo.

Hindi to magagawa sakin ni Kuya. Like nevah!

Kailangan kong maka-alis dito ng hindi napapansin ng hayop na Kei—kwanan na yon. Sigurado naman akong may malapit na kabahayan dito at don ako makikitawag.

Kinuha ko ang bag ko at hinanap ang sapatos ko. Nakita ko naman yon malapit sa kama pero wala ang mga medyas ko.

Magka-iba na nga, nawala pa.

Hinayaan ko nalang. Binitbit ko nalang lahat ng gamit ko at mamaya ko nalang susuotin ang sapatos. Pwede naman mag-paa sa buhanginan.

Lumapit ako sa pinto at dahan-dahang binuksan yon. Sandali akong sumilip para masiguro na walang ibang tao na makaka-kita sakin. Ng masiguro kong wala dahan-dahan akong lumabas.

Bumungad sakin ang may kaliitang balkonahe sa loob ng bahay na siyang kinatatayuan ko. Mataas ang kisame at maraming salamin na bintana pero kawayan naman ang mga pader. At ang mga haligi, halatang mamahaling punong kahoy.

Sa ganyan masarap iuntog si Kei—kwanan.

Pasimple akong sumilip sa ibaba. Nang walang makitang tao, mabilis pero walang ingay akong bumaba ng hagdan. At dahil malaki ang pintuan na saktong nakabukas, kitang-kita ko ang walang-hiya habang palakad-lakad at pasipa-sipa sa buhanginan. Hindi ako pwedeng dumaan sa harap ng bahay.

Kinuha ko ang pagkakataon at naglakad diretong kusina. Nagbabakasaling may pagkain—charot! Titignan ko lang kung may pintong pwedeng daanan palabas ng bahay. Napangiti naman ako ng makitang may nakabukas ng pinto. Pero bago ako lumapit don, binuksan ko muna ang refrigerator.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon