Chapter 326

587K 24.3K 37.5K
                                    

A/N:

🎊🎉🎈🎁🥳🎂🍦
Happy Birthday!!

Camille Abe
Mitchie
Dianne Chezca Mijares

Shoutout to:
Patricia Yesha



First Night

Jay-jay's POV

"Ang tagal! Naiinip ako." Reklamo ko habang naka-upo at nakatungtong ang dalawang paa sa bangko.

Kakatapos lang gamutin kuno ng tukmol na to ang mga paa ko. Dinampian lang naman niya ng yelo. Mabuti nalang at makapal ang kalyo ko sa paa. Baka tadtad na to ng paltos dahil sa init ng buhanging tinakbuhan ko kanina.

"Give me 10." Sagot niya.

"Wala akong 10pesos. May barya ka ba? May bente ako sa bag."

Mahina siyang tumawa. "I'm asking for 10. 10mins. Or maybe 10 kiss will do."

Gago!

"Babatuhin kita ng silya." Walang buhay kong banta. "Matagal pa ba yan? Nagugutom na ko."

"Just a moment. Okay?" Nagbuntong hininga siya. "Ang hirap palang maglingkod sa asawa."

"Muka mo asawa."

Tumawa na naman siya. Panay ang lakad papuntang ref at babalik sa lababo tapos ay may isasalang sa kalan. Kung anong luto ang ginagawa ng walang hiya.

Tatampalin ko to kapag hindi masarap.

Hindi ko alam kung gaano pa katagal ang hihintayin ko pero amoy na amoy ko na ang niluluto niya na lalong nagpapakalam sa sikmura ko. Nagwawala na ang mga alaga ko sa tyan.

Halatang hinihintay nalang niyang maluto ang nakasalang. Maya-maya pa ay kumuha siya ng mga wine glass sa cupboard. Binaba niya ang isa sa harap ko at ang isa naman sa katapat ko.

Nang maluto na ang hinanda ng hayop, inayos niya yon sa mga plato. Daig pa niya chef sa busisi ng ginagawa niya. At nang ibaba niya ang mga plato kusa akong naglaway sa sarap at bango ng amoy.

Tumalikod siya sandali at pagbalik niya may hawak na siyang bote ng wine. Matalim ko siyang tinignan.

"Sigurado ka dyan?" Sarcastic na tanong ko.

Tinignan niya ko at ang boteng hawak. Sandali siyang nag-isip.

Napailing siya. "Probably not."

Binalik niya ang bote at naging pitsel ng juice ang sunod niyang dala.

Natakot siguro siyang maluto sa apoy.

Sinalinan niya ang bawat baso namin. At nang masigurong ready na ang lahat, nakangiti siyang humarap sakin.

"Enjoy the salmon stake."

Halatang proud na proud siya sa sarili niyang luto. Napa-irap naman ako bago simulang lantakan ang pinagyayabang niya.

In fairness, pwedeng ilaban sa luto ni Eman. Sosyal naman ng salmon, naging stake. Kung sa bahay ka lunod ka sa mantika habang pini-prito. Tapos kalahati luto kalahati nakadikit sa kawali.

Proud Filipino dish.

Nagsimula na ring siyang kumain. Madalas talaga kanin ang hapunan ko. Kaunti lang naman dahil gabi na. Mga tatlong sandok ng kanin tapos malaking tipak ng ulam. Ayaw ni Tita ng purong karne sa gabi kasi daw masama. Kaya madalas gulay ang ulam sa hapunan o kaya isda.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon