Prologo

1.4K 40 9
                                    


Nagising ako sa sakit na aking nararamdaman dahil sa natamo kong mga sugat. Nang imulat ko ang aking mga mata ay bumungad sa akin ang kakahuyan. Nasaan ako?

Inisa-isa ko lahat ng nangyari sa akin. Pabalik na ako sa Norte galing Bulacan nang tambangan kami ng mga tulisan habang binabaybay ang Candon, Ilocos Sur. Kasama ko ang aking kapatid na babae na si Ate Olivia. Teka nasaan ba siya?

Tumingin ako sa paligid pero wala siya. Halah! Baka naman nabihag na siya o hindi kaya. Hindi iyon maari kailangan ko siyang hanapin. Inabot ko ang isang mahabang kawayan na nasa aking paanan at ginawa itong tungkod upang ako’y makatayo.

“Ate Olivia!!” sigaw ko pero wala akong marinig na tugon. Ipinagpatuloy ko ang paghahanap sa kanya kahit pilay-pilay na akong lumakad.

Gabi na nang makarating ako dito sa tapat ng isang kuweba kaya’t napagpasiyahan kong dito na muna magpalipas ng gabi. Natulog akong walang laman ang tiyan dahil na rin sa wala akong dalang pagkain at wala rin naman akong mahihingan o mabibilhan dito. Ninakaw nilang lahat ang aming mga gamit, swerte ko na lang dahil hindi nila nakuha ang aking pitaka na inilagay ko sa ilalim nitong aking saya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad kinaumagahan kahit hindi ko alam kung saan patungo ang aking binabaybay na daanan. Nais kong mahanap ang aking kapatid at makauwi na dahil baka nag-aalala na ang aking ama at ina. 

Mataas ang tirik ng araw kaya sumilong muna ako sandali sa ilalim ng isang matandang puno ng mangga dito sa tabing ilog. At kung sinusuwerte nga naman, may mga hinog na itong bunga at hindi ko na kailangang umakyat upang makakuha dahil mababa lang ang kinaroroonan nito. Nang matapos akong kumain ay pinagmasdan ko ang aking paligid. Mukhang nasa gubat pa rin ako at suwerte ko na lang kung may dadaan dito na pwede kong hingan ng tulong.

Muli akong naglakad pero mukhang minalas naman ako sa oras na ito dahil may nakasalubong akong matandang nakawak ng duguang itak at mukhang baliw ito. Santa Maria ako’y tulungan mo! Nakangisi itong lumalapit sa akin at ako naman ay umaatras. 'Katapusan ko na ba ito?'

“Huwag po kayong lumapit sa akin. Nagmamakaawa po ako.” wika ko dito. Pero mukhang wala siyang naririnig.

“Bibigyan kita ng pagkakataong tumakbo.” wika nito. “Isa....” bilang niya. Kailangan ko na nga talagang tumakbo.

“Dalawa.”

Hindi ko na siya pinatapos dahil kumaripas na ako ng takbo kahit pilay pilay na ako. Naramdaman kong sumunod ito sa akin pero hindi ko na siya pinansin. Takbo lang ako ng takbo sa masukal na kakahuyan upang makalayo sa baliw na iyon.  Lintik!

Hindi ako tumigil sa pagtakbo kahit ramdam kong wala na ito sa aking likod. Hanggang sa nakarating ako sa isang daanan pero wala naman akong nakitang mga tao kaya pinagpatuloy ko lang ang pagtakbo sa daan na iyon. Bakit walang mga kabahayan?

Nakarinig ako ng mga yabag ng kabayo kaya tumigil ako saglit upang lingunin ito. Doon ay nakita ko ang isang sundalo na nakasakay sa isang itim na kabayo. Sa wakas. Nagtungo ako sa gitna ng daan at itinaas ang dalawa kong kamay upang patigilin siya.

Señor, ayúdeme por favor!" pagmamakaawa ko sa kanya nang tumigil siya sa harap ko.

Pero bago ko pa man marinig ang kanyang sasabihin ay nanlambot na ang aking tuhod at unti unting naging malabo ang aking paningin hanggang sa naramdaman ko na lang na bumagsak ako sa lupa at mawalan na ako ng malay.

Nagising lang ako nang may maramdaman akong malamig na bagay na dumampi sa aking paa. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid, nasa loob ako ng isang kwarto. ‘Teka nasaan ako?’ Ang huli kong naalala ay nawalan ako ng malay habang humihingi ng tulong sa isang sundalo.

“Gising ka na, binibini.” wika ng isang babae na tansiya ko ay kaedad ko lamang.

“Nasaan ako?” tanong ko rito habang dahan dahang umupo mula sa aking pagkakahiga.

“Nasa Quirino, Ilocos Sur ka.” sagot niya at nanlaki naman ang mata ko sa gulat.

“Quirino?!” gulat na gulat kong tanong muli sa kanya. Tumango lang siya bilang sagot sa akin at tumayo upang ilagay ang maliit na palanggana na pinampunas niya sa akin sa isang lamesa.

‘Si Ate Olivia, kailangan ko siyang mahanap pero paano? at saan?’

Tumingin ako sa aking kasuotan, iba na ito hindi ito ang maruming baro’t saya na suot ko kahapon. “Binibini anong nangyari sa iyo  at bakit ganun na lang karami ang iyong gasgas at dumi ng kasuotan?” tanong sa akin ng babae.

“Naglalakbay ako kasama ang aking kapatid na si Ate Olivia pabalik sa Norte galing kaming Bulacan ngunit sa kasamaang palad may humarang sa aming mga tulisan sa Candon. Kinamkam nilang lahat ang aming mga gamit pati na ang karwaheng sinasakyan namin. Pero iyon lang ang naalala ko dahil may ipinaamoy sila sa aking panyo at dahil dun nawalan na ako ng malay.” pagkukwento ko.

“Napakasaklap pala ang iyong sinapit. Pero kasama mo kamo ang iyong nakakatandang kapatid? Nasaan na siya?” tanong niyang muli. Napabuntong hininga ako bago sumagot sa kanya.

“Yun nga ang aking prinoproblema ngayon dahil nang magkamalay ako ay nasa gitna na ako ng kagubatan at hindi ko na.........siya kasama.” malungkot kong sagot. Lumapit naman siya sa akin at hinagod ang aking likod.

“Huwag kang mag-alala tutulungan ka naming mahanap siya. Ako nga pala si Imelda Cruz.” pagpapakilala niya.

“Josefina Izabelle Ycasiano. Tawagin mo na lang akong Izabelle.” ani ko. Napakunot naman ang kanyang noo na parang may iniisip o inaalala.

“Ycasiano? Kung ganun ay nagmula ka sa isa sa mga pinakamakapangyarihang angkan sa Norte, tama? Sino ang iyong ama?”  tanong niya.

“ Ang kasalukuyang gobernador ng Norte ang aking ama si Diosdado Ycasiano.” tugon ko.

“Kung ganoon ay kapatid mo ang kasalukuyang komandante heneral ng Ilocos. Si Alejandro?” tanong niya. Tumango lamang ako bilang sagot sa kanya.

Nagpaalam muna si Imelda na baba siya upang magluto ng aming tanghalian kaya naiwan muli akong mag-isa sa silid na ito. Tumayo ako at bumaba sa kama upang magtungo sa labas upang maglibot-libot.

Nang makalabas na ako sa kwarto ay bumungad sa akin ang isang sala dito sa ikalawang palapag ng bahay--hindi mansiyon pala. Namangha ako sa sobrang gara ng mansiyong ito.

Napatigil ako sa paglalakad sa tapat ng isang litrato ng sa tingin ko’y mag-asawa. Ang nasa litrato ay isang magandang dilag na nakasuot ng magarang baro’t saya at isang heneral.

Sino kaya ang mga ito? Siguro sila ang nagmamay-ari ng mansiyong ito dahil nasa mismong entrada ng ikalawang palapag nakalagay ang kanilang litrato.

“Maayos ka na?” tanong nang kung sino na may baritonong boses mula sa aking likuran kaya napabitaw ako sa hawak kong panyo dahil sa gulat.

Dahan dahan akong lumingon sa aking likuran upang tignan ang taong ito. At nang tuluyan nang magtagpo ang aming mga mata ay parang bumagal ang takbo ng oras at galaw ng mga nasa paligid namin. Parang siya lang ang tanging nakikita ng aking mga mata sa mga oras na ito.

_______________________________________

An Unexpected Love [BATC SERIES #2] (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now