Kabanata 13

260 21 1
                                    


Sundalo


"Nililigawan ka na niya?!" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Angelita.

Narito kami ngayon sa aking silid. Alas dos pa lamang ng hapon kaya may oras pa kaming magkwentuhan bago dumating si Vicente para sa hapunan mamayang alas sais.

"Oo, hindi ko akalain na ang lalaking nagligtas sa aking buhay ay siyang magiging katuwang ko habangbuhay." inilagay ko ang aking palad sa aking pisngi at ngumiti ng parang baliw.

"Halah! Ligaw pa lang at hindi mo pa siya sinasagot. Kasal na agad ang iyong nasa utak. Maghunos dili ka Josefina Izabelle." umakto pa siyang parang sumasakit ang ulo dahil sa akin.

Tama nga siya. Masyado na yata akong nahibang. "Kamusta pala ang paghahanda ninyo ni Ernesto sa inyong nalalapit na kasal?"

Napalunok siya at umiwas ng tingin. "Ayos na ang lahat." malamig niyang tugon sa akin.

Hindi ko na lamang ito pinansin. Nagtungo ako sa aking aparador at nagsimulang tumingin ng magandang isusuot mamaya.

"Nabalitaan mo na bang binili ng pinsan mong si Miranda ang lumang bahay na nasa tabi ng hardin ng mga rosas diyan sa bayan ng Bataquen."

Napalingon ako sa kanya. "Binili niya? Bakit naman eh sa pagkakaalam ko'y magtutungo na siya sa Maynila." ibinalik kong muli ang aking atensyon sa pamimili ng isusuot.

"Izabelle lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Kahit wala akong kapatid na babae ay pinaramdam mo sa aking nagkaroon ako ng isa." niyakap niya ako.

"Huwag ka ngang magdrama. Mahal na mahal din kita, Angelita. Ikaw ang naging sandalan ko sa mga oras na ako'y nalulungkot."

Sa huli'y pinili ko ang isang kulay dilaw na baro't saya. Iniwan ko muna sa silid si Angelita upang maligo. Pagkabalik ko'y wala na siya roon, baka bumaba na muna. Hindi pa nakakalipas ang ilang minuto'y nakarinig na ako ng malakas na palahaw naggagaling sa baba.

"Anong nangyayari?!" kinakabahan kong tanong pagkababa ko. Nakita kong nanghihinang nakaupo at umiiyak si Angelita sa isang silya.

Naroon na rin pala si Vicente at ang aking mga magulang. Iniabot sa akin ni Vicente ang isang liham.

Angelita,

Limang buwan na ang nakakaraan nang sinabi ko sa iyong buntis ako at si Ernesto ang ama. 'Layuan mo siya' iyan ang kaatagang sinabi ko ngunit anong ginawa mo? Inagaw mo siya at hinayaan akong mangulila. Ngayon sabay na tayong mangungulila sa kanyang presensiya.

-M.Luna

"Miranda?" kunot-noo kong tanong.

"Kailangan ko nang umuwi." biglang tumayo si Angelita at yumuko muna bago lumabas.

Hindi ko na siya napigilang lumabas dahil umiling sa akin si Ina. Malungkot akong tumingin sa pintuan.

"Natagpuang walang buhay na nakabigti sa kanyang silid si Ernesto kanina." seryoso ang boses ni Ama.

Hindi ko maiwasang manghina dahil sa balita mabuti na lamang at inalalayan ako ni Vicente na makaupo. Ano ba itong nagyayari?

"Oh siya, tayo'y magtungo na sa hapag."

Tinapik ni Ama ang balikat ni Vicente bago sila naunang umalis ni Ina patungo sa hapag.

"Ayos ka lamang ba?" tanong niya sa akin.

"Oo naman, nabigla lang ako sa nalaman," ngumiti ako sa kanya bago tumayo. "Mainipin si Ama. Tara na?"

Tumango siya at pinauna akong mag-lakad. Tatlong putahe lamang ang nakahain. Nanlumo ako nang makitang ang isa ay pinakbet. Hindi ako mahilig sa gulay lalo na sa ampalaya at talong.

An Unexpected Love [BATC SERIES #2] (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now